Nalugi si Stella ng mahigit sa P1M dahilan sa maling pamamalakad sa kanyang unang salon sa Bel Air Makati. She decided to close it and transfer it to Bel Air Laguna.
Katulad ng kanyang pagkanta na pinag-aralan pa ng mabuti ni Stella bago niya pinasok. Nag-aral din siya ng tungkol sa paggupit at pag-ayos ng buhok. Pumasok siya sa isang iskwela ni Vidal Sasoon sa San Francisco, California, USA para mag-aral ng haircutting, lalo na ang mens haircut na aniya ay pinakamahirap sa mga gupit. "How can I make a short hair look good?" tanong niya.
Pumasok din siya sa Pivot Point, isang exclusive na haircutting school sa Chicago. Bukod sa haircutting, natuto siya rito ng mga pamamaraan ng pangangalaga ng buhok gaya ng blow-dry, shampoo at marami pa.
"Mahilig na ako sa buhok nun pa," panimula ni Stella. Kaya ito ang naisip kong negosyo. I hope to open four or five more branches. Ayoko ng masyadong marami," sabi niya.
Open pa rin sa paglabas sa pelikula o TV si Stella. But the story has to be good. Ayaw na niyang mag-bold pero, okey siya sa mga mature roles.
Excited siya na maging classmate sa pag-aaral niya ng haircutting ang kasalukuyang hairdresser ni Jennifer Lopez, who grew up in the States pero ang mga magulang ay parehong Pinoy.
"Hoy, hindi siya bading ha," imporma ni Stella.
Kasama siya sa Xerex ng Regal topbilled by Aubrey Miles. Nasa Batas episode siya kasama si Allen Dizon. Katulad nang intensyonal na paglalagay ng kanyang role sa pelikula ni Belinda Bright sa Ssssh She Walks By Night ni Director Elwood Perez, pinilit din ni Director Mel Chionglo na sa kanya ibigay ang role ni Elaine sa nasabing pelikula, isang split personality, shy and reserved at day at wild and confident at night.
"I insisted on her from the start because I knew she could deliver. She has the making of being the next Elizabeth Oropesa. Good actress and sexy pa," ani Chionglo.
Maganda ang trailer ng movie, cute at may kilig, despite the fact na friends (sana) lang sila. So why force the issue na kailangan na in love sila, okey na sila as they are. Tanggap na ng kanilang fans na hanggang screen lang sila.
Ang maganda sa dalawa, maganda ang spacing ng movies nila. Sabik na sabik na ang fans nila bago sila mapanood on screen. At may pambayad sila sa mga sinehan.
Magaganda rin naman ang story ng movies nila like Till There Was You, na kung saan nagpanggap na ina ng anak ni Piolo si Juday. Add to this the very good performance of a good child actress named Eliza Pineda at mayroon na kayong isang magandang screen romance.
Forte ni Joyce Bernal ang ganitong movie kaya maganda at mahusay niyang nabuo ang movie.
Una, sa mga pumayag na tumayong sponsors, like Navotas Mayor Toby Tiangco, Dr. Gary Sy, Ms. Bella Tan, Mr. Wilson Tieng, Mr. Eli Formaran, sa asst. ni Bulacan Gov. Josie dela Cruz, my brother Bebot Rodriguez, Ms. Rose Vergara, Mr. Mariano See Diet, Ms Ofelia Acaba and Ms. Ofelia Almanzor.
Salamat din kina Letty Celi sa pagpapahiram ng kanyang anak na si Boogie Reyes who played the organ, Sharmaine Santiago, Apple Gonzaga and Iby Pequero.
Salamat din sa lahat ng dumalo, lalo na kina Salve Asis at Lanie Sapitanan who took over my chores in the office.