Dalaga na si KC
April 9, 2003 | 12:00am
Kapuri-puri nga namang anak ng isang Megastar si KC Concepcion. Huwag nang isali pa ang kanyang amang si Gabby Concepcion na narinig ko ay gumagawa na rin ng kanyang pangalan sa US kundi man sa showbiz ay sa kanyang personal na buhay, pero sapat nang sabihin na anak siya ni Sharon Cuneta para siya magbuhay reyna at mag-prima donna pero lahat ng nakakakilala sa kanya ay humahanga sa pagiging isa niyang totoong tao, walang kaere-ere, normal at maligaya sa kanyang mga payak na pangarap.
Nung Lunes ng gabi, sinaksihan ng entertainment media ang panganay ni Mega sa kanyang una sa dalawang coming out party sa pagdating niya sa major age.
Yes, eighteen na po si KC sa tulad nang inaasahan ng kanyang ina na mayroon din namang ikakaya para sa isang magarbong debut, pumayag na magkaroon ng party si KC, sa unang gabi kasama ang mga entertainment writers na nakatulong sa career ng kanyang ina at, sa ikalawang gabi, kasama ang kanyang mga kaibigan, personal at mga kaibigan din sa labas ng showbiz ng kanyang mga magulang at mga kamag-anak.
Kung bakit kinailangan pang magpaliwanag ng kanyang ina sa di pagkakaimbita sa maraming tao sa debut ni KC ay hindi na siguro kailangan pa. But knowing her at ang kanyang pagtanaw ng utang ng loob sa press, kinailangan pa niyang magbigay ng separate party para sa kanila.
It was a very subdue affair. Parang presscon where KC had to undergo the "grilling" of the press. Pero, pinahanga niya ako sa kanyang mga sagot. Napalaki siyang mabuti ng kanyang ina. Kitang-kita sa kanyang pananalita ang pagiging edukada niya, magalang at masayahing bata. Ni ang tanong sa kanya tungkol kay Gabby Concepcion ay nasagot niya ng buong husay at katapatan. Sayang at pinahihintulutan ni Gabby na lumaki ng malayo sa kanya ang kanyang anak. He would have been proud of her.
Sa aking kagagahan, naghahanap ako ng mensahe sa mga punong naka-decorate sa loob ng The Tent. Akala ko dahil walang dahon ang mga puno ay ipinakikita lamang ang karahasan ng tao sa kalikasan. I should have known na ang motif ay The Lord of the Rings, malayo sa aking iniisip.
Ang daming food. It was one the few rare times na nagbihis ang entertainment media. May dumating nang naka-Barong, naka-coat and tie, naka-long sleeves. Well, ang mga babae, walang problema. Pasable naman palagi ang kasuotan ng mga female entertainment writers.
KC was in a white and aquamarine pantsuit na gawa ng Sari-sari. Kinantahan siya ng ilang songs ni Francis M. na paborito pala niya. Matapos ang open forum at ilang kuhanan with the photogs, nagpaalam na si KC for an early sleep. May pasok pa raw ito kinabukasan. And it was unfortunate na nalipat ang holiday. Araw ng Kagitingan, on Monday. Pero, siguro, maghahanda pa rin ito para sa kanyang formal debut na ayon kay Sharon ay magiging katulad din ng party for the press.
While she was bidding us goodbye, may background siya ng pag-awit ng kanyang kapatid na buhat-buhat ng proud dad nito na si Sen. Kiko Pangilinan, si Frankie who was singing "Tomorrow". Abot-tenga ang ngiti ni Sharon na nakikita na sa murang gulang ng kanyang bunso ang pagiging isang showbiz daughter nito.
Nine-thirty lang, tapos na ang party. Bukod sa matagal na paalaman, the press was kept busy sa pamimitas ng napakaraming rosas na nakapalamuti sa paligid, red and pink roses, the long stemmed variety at maging ang short stemmed ones. Pati mga giant bandera espano-las, nag-disappear, yung nasa tabi ng wishing well.
Hindi nagkulang ng giveaways ng mga miniature cakes topped by a red strawberry at nakaloob sa isang plastic box. Sa loob ng The Tent at maging sa lobby nito, nakapalamuti ang mga nasabing giveaways.
Ikaw ba ay isang kabataang Pilipina na may dugong Chinese? Pwes inilunsad kamakailan sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall ang paghahanap para sa Miss Chinatown Manila 2003. Isa itong beauty pageant na proyekto ng Chinatown Development Authority na pinamumunuan ni Rosie Dy Go sa pakikipagtulungan ni Manila Mayor Lito Atienza na siyang nagsisimula nito noong 1999 upang maging taunang pangyayari.
Si Grace Lee, ang nanalo nitong nakaraang taon, ay naging Miss Vitality Award sa Miss Chinatown International 2002 na ginanap sa Hongkong at pinamahalaan ng sikat na Run Run Shaw ng TVB Hongkong. Ang iba pang nanalo na ay nagdulot ng mainit na pagkilala sa Pilipinas sa mga venues na kagaya ng Las Vegas at Tsina.
Nakatakdang ganapin sa ika-16 ng Mayo, 2003 sa Manila Hotel ang Miss Chinatown Manila at ipalalabas ng RPN sa ika-27 ng Mayo sa pamamagitan ng Solar Entertainment. Inihayag naman nina Dino Noble at Armand Sebastian ng Committee on Media Relations na mas bongga ngayon kaysa rati.
Ang nais sumali ay kailangang babae, may dugong Tsino (ang ama o ina ay kailangan Chinese), 18-26 ang taon at may taas na 55". May isang taon o higit pa na nakatira sa Pilipinas at nakatungtong ng kolehiyo, ang aplikante ay kailangang kaakit-akit, may magandang ugali at marunong magsalita ng alin man sa Mandarin, Fukienese o Cantonese. Hindi rin siya dapat nagkaanak na, nasangkot sa mga iskandalo at hindi kailanman nag-apir sa bold movies o imoral na palabas dito sa atin o sa abroad man.
Para sa application forms, kailangang mai-submit ang mga ito bago sumapit ang ika-23 ng Abril, 2003 sa alinman sa mga sumusunod: NGO office ng Manila City Hall, 17th flr ng Equitable bank tower sa 8751 Paseo de Roxas (Makati) at Grand Family Association of the Phil. Inc., sa Suite 1421 Tytana Plaza Bldg., Binondo (Manila). Sa nais magtanong, pakitawagan lang sina Baby (3388912), Jessie/Elvie (527-5038/302-6850).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am