Inamin ng buntis na aktres na nagkakaroon din sila ng konting away ni Geryk pero bagay na di humahantong sa pisikal na awayan. Nasa adjustment period sila ngayon pero everything is going smoothly kaya nasabi nitong wala siyang pagsisisi kung bakit si Geryk ang napili niyang maging ama ng kanyang mga anak.
Apat na buwan nang nagsasama ang dalawa pero nasa ika-pitong buwan ngayon ang pagbubuntis ni Mrs. Isabel Granada-Aguas. Maraming nagsasabing magandang magbuntis ang aktres at hinuhulaaang magiging baby girl ang panganay na apo ni Mommy Guwapa.
Marami ring nagsasabi na dapat magpa-ultra sound ang aktres para malaman na nito kung anong gender ng kanyang iluluwal pero mas gugustuhin niyang sorpresa sa kanilang dalawa ni Geryk ang kanilang baby na iluluwal sa buwan ng Hunyo. "Maging malusog lang at normal sa kanyang paglabas ay malaking bagay na iyon para ipagpasalamat namin sa Diyos." Alex Datu