Yda Manzano, na-realize ang hirap ng buhay sa Japan

Ayaw munang mag-Japan ng bold star na si Yda Manzano. Kagagaling lang daw niya roon at gusto munang mag-stay sa bansa nang matagal-tagal. Isa pa may mga pelikula siyang tinatapos. At saka na-realize niya na mahirap ang buhay sa Japan.

"Imagine, ang gabi ginagawa naming araw. Sa gabi kami nakikipagtsikahan," kwento ni Yda. Sa araw naman tulog na tulog sila. Doon daw sa Japan bawal ang mamahinga. Kailangan magtrabaho ka. Wala kang kikitain kung tatamad-tamad ka roon. Kailangan daw maabilidad ka sa mga kustomer na dumadalaw sa kanilang lugar. Komo’t artista si Yda, maraming gusto siyang makilala at makausap.

May mga movie siyang nasa VCD na napapanood na doon kaya’t alam na nag-aartista siya. Pero balang araw, gusto pa rin niyang bumalik sa bansa ng mga sakang.

Sa larawan, kasama ni Yda ang stage actor na si Rainier Morales na nabigyan ng magandang papel sa Virgin People 3 starring Barbara Milano, Monina Perez at Allona Amor. — Vir Gonzales

Show comments