Marami ring pwedeng maging meaning ang "On Na Tayo". Pwede itong i-on na natin ang TV o di kayay magsyota na tayo. Para sa GMA, ang "On Na Tayo" ay isang hakbang patungo sa mas malalim pang relasyonisang pagsasama kung saan binibigay ang Serbisyong Totoo at ginagawang mas makulay ang buhay ng mga Kapuso.
Para maipadama nito ang dedikasyon sa minamahal na manonood, madaming handog na pagmamahal ang GMA. Sa panimula, lalo pang pinaganda at pinasaya ang mga programa sa pagpasok ng mga Kapuso. Sa nag-iisang concert TV, ang SOP, dinagdag sina Radha, Marielle, JayR, Nina, Anne Curtis, Nancy Castiglione, Chynna Ortaleza, Richard Gutierrez at ang Turvey twins na sina Brad at Greg sa world-class na mga singers at hosts nito. Maging sina Amy Perez, Carmina Villaroel, Lucy Torres, Inday Badiday at Yul Servo ay mga bagong Kapuso na rin, kasama ang Concert Queen na si Pops Fernandez na makikita na rin s aibang GMA shows.
Inilipat din ng GMA ang timeslot ng true stories anthology nitong Magpakailanman sa Huwebes ng gabi at nakipagpalit sa Daboy en Dagirl, na ngayon ay mapapanood na tuwing Lunes ng gabi. Marami ring kapana-panabik na special presentations tulad ng Songbird Sings Legrand concert ni Regine Velasquez at ang naiibang movie for TV na handog niya para sa kanyang kaarawan, Ang Huling Yakap ng Tag-araw.
Ngayong "On Na Kayo", lalong patitibukin ng GMA ang inyong puso. Kayat tutok lang sa inyong Kapuso at siguradong magiging walang kasing-kulay ang buhay nyo.