Hanggang ngayon ay palaging sinasabi ng aktres na siya ay walang kasintahan, walang mapagsabihan ng kanyang problema at walang matatakbuhan kung kailangan nito ang matiwasay na mga sandali. Di natin masisisi ang ibang nag-iisip na baka tuluyan na itong naging tomboy tulad nang nakikita sa kanyang personalidad na ang dating ay matipunong babae dahil sa naglalakihan nitong kalamnan.
Di rin maiiwasan na may ilang nagtatanong kung may karelasyon itong tomboy o kung mayroon man lang nanligaw na isang tibo sa kanya. "Ay no! I can be friends with them pero kung makipagrelasyon sa kanila, hindi pwede dahil bawal sa akin yun, di ba? Maraming lalaki sa mundo."
Ayon kay Vina, walang ni isang tibo ang nanligaw sa kanya na ang tanging naisip nito kung bakit walang nagpalipad hangin sa kanya ay dahil pormang lalaki siya dahil sa kanyang pangangatawan pero nilinaw ng aktres sa amin na babaeng-babae siya. Alex Datu