'Beh Bote Nga', tinigbak na!
April 7, 2003 | 12:00am
Tiyak na masayang-masaya ngayon ang mga Noranians dahil aktibong muli sa kanilang idolo, ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor.
Top-rating ang kanyang teleserye sa ABS-CBN, ang Bituin na magtatapos sa susunod na buwan. Sa Mayo 17, apat na araw bago ang kanyang golden birthday on May 21 ay magkakaroon siya ng major concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang Gold na ipu-produce ng Ace Entertainment in cooperation with ABS-CBN na siyang magpapalabas sa telebisyon bilang isang TV special. Magiging espesyal na panauhin ni Guy ang kanyang mga kapamilya sa Bituin. Pagkatapos ng concert, magiging busy siya sa staging na Himala, na gaganapin sa CCP at FAT. May dalawang pelikula rin siyang nakatakdang simulan na ang isa ay balik-tambalan nila ni Direk Elwood Perez bilang director.
Nasa bansa ang singer-turned successful businessman sa Japan na si Bobby Valle para sa ilang business negotiations. Balak niyang dalhin sa Japan sa buwan ng Agosto ang grupo ng Master Showman ni Kuya Germs sa GMA for a major show sa Japan na susundan ng Sing Galing ng ABC-5. Sa darating na Mayo 30 ay dadalhin niya sa Tokyo ang Fil-America hunk na si Troy Montero para sa isang kabuke show. Dito ay nakaka-kabuke o Japanese costume si Troy with matching make-up na aabutin ng isang oras i-apply. Nakatakdang kumanta si Troy ng isang Japanese song which he will pre-record before the show na pawang Japanese ang audience.
Since nasa Japan na rin lamang si Troy, magkakaroon din ito ng series of club shows sa Tokyo sa tulong na rin ni Bobby Valle at kanyang Japanese wife na si Chieko Kimura.
Sina Bobby at Chieko ay may dalawang club sa Funabashi City sa Chiba at may isang restoran bukod pa sa mga negosyo nila rito sa Pilipinas.
Dahil sa pagiging isang matagumpay na negosyante na ngayon ni Bobby, isinantabi na nito ang kanyang first love, ang pagkanta. Bago nag-solo, si Bobby ay dating myembro ng Ambivalent Crowd na sikat na sikat nung dekada 70.
Hindi man siya ang original choice, natutuwa ang sexy star na si Aubrey Miles na sa kanya ipinagkatiwala ng Regal Films ang pelikulang Sanib which was originally intended for Kris Aquino.
Tulad ng Mano Po na siyang comeback-movie ni Kris, ang Sanib ay may playdate na dahil ito bale ang official entry ng Regal sa darating na Manila Film Festival at kailangang matapos ang pelikula before June 24. Pero dahil sa tight ng TV sched ni Kris, hindi niya ito magawa kaya nanghihinayang man siya ay kinausap niya ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na siyay nagba-back-out sa project at isinauli na rin niya ang downpayment na ibinigay sa kanya.
Sina Phillip Salvador at Jinggoy Estrada ang mga tampok na panauhin this Monday (April 7) sa programang Daboy en Da Girl na tinatampukan nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno. Itoy pangalawang episode sa kanilang month-long celebration ng programa sa kanilang unang anibersaryo na nagsimula nung nakaraang Lunes ng gabi sa kanilang bagong timeslot.
Kung si Bong Revilla ay dumalo sa live presentation ng Daboy en Da Girl last Monday evening, sina Ipe at Jinggoy naman this Monday. Kailan kaya muling mabubuo ang barkadahang Daboy, Ipe, Bong at Jinggoy?
Maraming fans sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual ang nalungkot na hindi na silang dalawa ang magkasama sa kanilang susunod na programa sa ABS-CBN. Si Robin Padilla na ang makakasama ni Juday sa kanyang bagong show sa Dos habang si Piolo naman ay sina Claudine Barretto at Carlos Agassi. Magsasama rin sa pelikula sina Claudine at Piolo na sa Europe pa umano isu-shoot. Ganunpaman, masaya na rin ang mga fans nina Juday at Piolo dahil matutunghayan pa rin ang dalawa sa pelikulang Till There Was You na dinirek ni Joyce Bernal for Star Cinema. Umasa sila na sanay hindi ito ang huling pagtatambal ng kanilang mga idolo.
Nagpaalam na last Tuesday ang cast ng Beh Bote Nga na pinangungunahan nina Janno Gibbs, Anjo Yllana at Joey de Leon. Ayon sa aming source, muling babalik ang grupo sa pamamagitan ng bagong show pero natitiyak namin na may matatanggal sa original cast ng Beh Bote Nga at may mga bagong mukha na papasok.
E-mail us: <[email protected]>
Top-rating ang kanyang teleserye sa ABS-CBN, ang Bituin na magtatapos sa susunod na buwan. Sa Mayo 17, apat na araw bago ang kanyang golden birthday on May 21 ay magkakaroon siya ng major concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang Gold na ipu-produce ng Ace Entertainment in cooperation with ABS-CBN na siyang magpapalabas sa telebisyon bilang isang TV special. Magiging espesyal na panauhin ni Guy ang kanyang mga kapamilya sa Bituin. Pagkatapos ng concert, magiging busy siya sa staging na Himala, na gaganapin sa CCP at FAT. May dalawang pelikula rin siyang nakatakdang simulan na ang isa ay balik-tambalan nila ni Direk Elwood Perez bilang director.
Since nasa Japan na rin lamang si Troy, magkakaroon din ito ng series of club shows sa Tokyo sa tulong na rin ni Bobby Valle at kanyang Japanese wife na si Chieko Kimura.
Sina Bobby at Chieko ay may dalawang club sa Funabashi City sa Chiba at may isang restoran bukod pa sa mga negosyo nila rito sa Pilipinas.
Dahil sa pagiging isang matagumpay na negosyante na ngayon ni Bobby, isinantabi na nito ang kanyang first love, ang pagkanta. Bago nag-solo, si Bobby ay dating myembro ng Ambivalent Crowd na sikat na sikat nung dekada 70.
Tulad ng Mano Po na siyang comeback-movie ni Kris, ang Sanib ay may playdate na dahil ito bale ang official entry ng Regal sa darating na Manila Film Festival at kailangang matapos ang pelikula before June 24. Pero dahil sa tight ng TV sched ni Kris, hindi niya ito magawa kaya nanghihinayang man siya ay kinausap niya ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na siyay nagba-back-out sa project at isinauli na rin niya ang downpayment na ibinigay sa kanya.
Kung si Bong Revilla ay dumalo sa live presentation ng Daboy en Da Girl last Monday evening, sina Ipe at Jinggoy naman this Monday. Kailan kaya muling mabubuo ang barkadahang Daboy, Ipe, Bong at Jinggoy?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended