Ngayong Sabado, mgsasalita si Congressman Jules Ledesma sa balitang demanda niya sa ina ni Assunta de Rossi na si Net de Rossi. Tungkol ito sa isyung hindi na-remit ng ina ni Assunta ang halagang P3 million.
Muling nanganak ang ampon isyu kay Sunshine dahil isang kilalang personalidad ang nagpapatunay sa ampon isyu. Isang sikat na singer ang aamin finally na isa na siyang ama.
Gusto naming bigyan ng credit ang mga tao sa likod ng S2 bukod sa hosts nito. Sina Direk Arnel Natividad, Deo Endrinal, Ian Reyno, Rissa Afable-Calinawan, Freddie Bautista, Rigl Bumagat, Michelle Riano at iba pa.
Nakatakdang simulan ni Claudine ang isang weekly drama show. Pahinga muna si Claudine sa soap opera. Pero ang balita namin, star-studded ang cast ng bagong weekly series ni Claudine. This is something new para sa mga tagahanga ni Claudine na limang taon sa soap opera. Isang bagong movie din ang nakatakdang simulan ni Claudine under Star Cinema.
Come April 10 ay a-attend si Claudine ng coronation ng Box-office King & Queen kung saan sila ni Aga Muhlach ang recipients ng top awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Claudine will also ba launched as the new Maxi-Peek Girl along with Kristine Hermosa. Nakatakda sanang magkaroon ng media launch ang nasabing commercial ni Claudine and Kristine, pero hindi ito natuloy dahil umalis nga siya ng bansa.
Ang pagbuo ng Anim-e ay paraan ng ABS-CBN Talent Center para sa patuloy na pag-discover ng mga bagong mukha. Matatandaan na nagkaroon na rin ng ilang boy group ang ABS-CBN noon tulad ng Koolits, Basketbolista, JCS na ngayon ang mga binata na at may kanya-kanya nang career.
Nag-undergo ng masusing training ang Anim-e on singing, acting , dancing, hosting at personality development.
Ang Anim-e ay mapapaood na sumasayaw, kumakanta at umaarte sa pelikula, telebisyon at commercials. Mapapanood silang anim ngayong Sunday sa ASAP.