Parang bahay ang Super Ferry

Naimbitahan kami nung Martes ng tanghali sa Super Ferry 12. It was not my first time na makarating aboard the huge liner. Nakarating na rin ako rito nun nang makuha nilang endorser si Sharon Cuneta. At marahil bilang pasasalamat, may Sharon Suite sa loob ng napaka-eleganteng barko. Dito kami pwedeng tumuloy kapag nagpasya kaming mag-travel sa alinman sa mga lugar na pinupuntahan na ngayon nito – Bacolod, Cagayan de Oro, Cebu, Coron, Cotabato, Dumaguete, Dumaguit, Davao, General Santos, Iligan, Iloilo, Masbate, Ozamis, Palompon, Puerto Prinsesa, Roxas, Surigao, Tagbilaran at Zamboanga.

Ang ganda ng Super Ferry, parang bahay. Walang amenities on land, na wala sa loob ng barko – TV, restaurant, cinema, sing-along, spa, jacuzzi, marami pa.

Yung mga kwarto, maluluwang, malilinis. Hindi lamang yung nasa suites, kundi maging yung mga bunkbeds na magkakatabi sa economy section. Okay sa akin na dun lumugar kapag bumiyahe ako. Marami akong makikilala.

Madali nang hanapin ang mga barko ng Super Ferry sapagkat nakadaong na ito sa Eva Macapagal Super Terminal na matatagpuan sa likod ng Manila Hotel.

Naglalaman ang terminal ng 1700 na pasahero at mayroon ditong fast food outlets, drinking fountains, TV sets, public address system, public telephone booths, toilets, ticketing booths at clinic na may medical personnel.

Sa loob ng terminal ko nalaman, sa pamamagitan ng mga memorabilia na ginawa para sa namayapa nang dating unang ginang at ina ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na isa itong manggagamot, nakapagsasalita ng Filipino, English at Spanish at nakapagsasalita ng Ilokano, Bisaya, Chabakano, Pangalatok at Kapampangan.

Nagbabalak ang Super Ferry na magdala ng mga taga-media sa Bohol at Cebu. Gayundin ang mga artistang sina Ronnie Ricketts at Cesar Montano para matikman ang ganda ng serbisyo na ibinibigay nila sa kanilang mga pasahero.
* * *
Eight years ago, isang banda ang nabuo na may pangalang Magic Touch. Sa pangalang ito, nagkaroon ng dalawang album ang grupo sa Polycosmic Records.

Ang unang album ay nakapaglabas ng single na "Thinking Of You" na inakala ng maraming nakarinig ay isang foreign song.

Ang second album, "Life Is A Jam" na lumabas nung 1999 ay may mga music videos na nabigyan ng exposure sa MTV Channel, "Learn and Love Again" at "Baby I Miss You".

May bago nang pangalan ang grupo. Ito ay Pure Instinct at sa bago nilang pangalan, gustong ipakita ng grupo kung bakit sila nabuo at yan ay to play music and entertain out of their Pure Instinct.

As Pure Instinct, may bago silang album, ang carrier single nito ay "Thinking Of You". Ito ay isang interactive CD na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanila. Ilagay lamang ito sa PC at makikilala n’yo sila ng lubusan. Mayroon din silang web site kaya pwede silang ma-e-mail.

Ang Pure Instinct ay binubuo nina: Ian Gil M. Bautista, ang lider ng grupo at siya ring lead guitarist, composer, musical arranger at paminsan-minsan ay vocalist; Carlos M. Bautista, Jr., keyboardist at composer at arranger din; Raymond Michael M. Bautista, 2nd lead guitarist; Sonny Boy Bautista Morcozo, male vocalist; Arthur F. Macrohon, bassist at vocalist; Jay Stephen Bautista, Drummer, vocalist; Imelda Imee Castañeda, vocalist.

Show comments