Kung totoong ampon di hahanapin ni Sunshine ang tunay na magulang
April 2, 2003 | 12:00am
Matagal-tagal na ring walang pelikula ang commercial model turned actor na si Jake Roxas, (Arturo Mombay) sa totoong buhay matapos itong mapasama sa mga smorgasbord youth-oriented movies ng Viva Films sa loob ng tatlong taon. Since then, na-satisfy na lamang si Jake sa kanyang TV stint. Regular siyang napapanood sa Beh, Bote Nga at napasama rin siya for a while sa teleseryeng Habang Kapiling Ka.
Isang malaking break na maituturing ni Jake ang pagkakasama niya sa pelikulang Xerex ng Regal Films na pinamahalaan ni Mel Chionglo.
Ang pelikulang Xerex ay base sa best-selling sex column ng isang tabloid (hindi ang PSN) na tinatampukan ng sexy stars na si Aubrey Miles kasama sina Jon Hall at ang cager-turned-actor na si Khalani Ferreira.
Unang bold movie ni Jake ang Xerex kaya medyo kabado umano siya nang una siyang mag-report sa set. Pero dahil sa pagiging supportive umano ni Aubrey na walang kiyeme sa paghuhubad at ni Direk Mel Chionglo, isinantabi ni Jake ang kanyang hiya. After all, it was just a work.
Natutuwa si Jake na kahit hindi pa naipapalabas ang first movie niya with Aubrey ay may nakatakda siyang simulang bagong project sa Regal, ang Sanib, isang horror movie na pangungunahan ni Kris Aquino.
"May offer sa akin ang Regal na isang multi-picture contract. Hindi ko pa man napipimirmahan ang kontrata ay may follow-up movie ako kaagad sa kanila," natutuwang ibinalita sa amin ni Jake.
Hindi ikinakaila ni Jake that hes going out with a non-showbiz girl pero wala pa umano silang commitment sa isat isa.
Tulad ng marami sa ating mga artista, si Jake ay produkto rin ng isang broken family. Bata pa siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Nasa Amerika ang kanyang ama na may sarili nang pamilya at nasa Australia naman ang kanyang ina na may bago na ring pamilya. May dalawa siyang half-siblings sa father side at dalawa naman sa kanyang ina.
Matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang ay naiwan si Jake sa pangangalaga ng kanyang maternal grandma. Nang sumakabilang buhay ang matanda, itinagubilin umano siya sa kapatid ng kanyang lola na siya niyang kapisan ngayon.
Sinubukan din ni Jake ang mamuhay nang mag-isa sa loob ng isang taon pero bumalik pa rin siya sa kanyang lola.
Kung may pagkakataon, gustong tapusin ni Jake ang kanyang pag-aaral sa U.P. ng Fine Arts although sa UST siya nagsimula ng engineering course. Sixteen units na lamang ang kanyang natitira sa UP at graduate na siya.
Humanga kami kay Sunshine Dizon sa exclusive interview ni Janice de Belen (ng S-Files) sa kanya last Sunday. Very articulate at magaling sumagot si Sunshine.
Ayon sa teen-star, kahit kelan ay hindi umano siya nag-doubt na ang kanyang kinagisnang magulang ay hindi niya tunay na magulang, na kesyo ampon lang siya. At kung totoo man daw na ampon siya, wala siyang balak na kilalanin at hanapin ang umanoy tunay na mga magulang niya dahil ang mahalaga, hindi ipinagkait ng kanyang kinagisnang ina (Dorothy Laforteza) at ang kanyang daddy na nasa Amerika ngayon ang pagmamahal ng isang tunay na magulang. "I am what I am now nang dahil sa kanila lalo na kay mommy. Walang dahilan na pagdudahan ko ang kanilang pagmamahal sa akin," deklara ng dalaga.
Ayon kay Sunshine, hindi umano ito ang first time na lumabas ang ganitong mga intriga kaya hindi na siya nagugulat. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit gustung-gusto ng ibang tao na sirain siya at ng kanyang pamilya. Hindi rin umano siya nag-attempt na tanungin ang kanyang mommy o ang kanyang daddy kung totoo ngang ampon siya.
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended