Unti-unti ay nakaka-recover si Carol. Nakikita na niya ang ngiti sa pisngi ng kanyang ama. Ngayon ay isa nang malaking bituin si Carol. Marami ang nagsasabing isa sa pinaka-inspiring showbiz stories ang buhay ni Carol.
Ito ang dahilan kung bakit naisip ng Maalaala Mo Kaya na gawin ang The Carol Banawa Story na ipalalabas bukas, Huwebes. Marami pang pangyayari sa buhay ni Carol na hindi natin alam. Iri-reveal ang lahat ng ito sa nasabing episode ng Maalaala Mo Kaya. This time, si Kaye Abad ang gaganap sa nasabing role. Si Jerry Lopez Sineneng ang nagdirek nito.
Matatandaan na ang Maalaala Mo Kaya ang unang nagsadula ng makulay na buhay ng mga kilalang personalidad tulad nina Walter Navarro, Levi Celerio, Cornelia Lee aka Angge, Whitney Tyson at Alfredo Lim.
Incidentally, Carol gets the chance to perform in New York Music Festival sa Madison Square Garden this month. Isa siya sa mga napili mula sa ibat ibang bansa na mag-perform sa nasabing prestihiyosong music festival.
Ini-announce ng ABS-CBN ang pormal na pagpapakilala ng bagong loveteam na unang mapapanood sa Tabing Ilog.
After a long time ay nakahanap na rin ang Talent Center ng ka-partner ni Camille.
Matatandaan na unang ipinareha noon si Camille kay Stefano Mori sa programang G-mik at eventually ay napunta kay Danilo Barrios.