Ang pinakasorpresa ng gabing yon ay nang bumawi ang Lapu-Lapu. Apat ang napanalunan nito hindi lang ang Best Original Song kundi gayundin ang Best Director, Best Picture at Best Actor.
Ang tumanggap ng award ni Gov. Lito Lapid bilang best actor for Lapu-Lapu ay ang kanyang anak na si Mark. Napaluha ito at sinabing makaraan ang 24 na taon sa showbiz ay first time tumanggap ng award ang father niya. Pinasalamatan din nito si Fernando Poe, Jr. at sinabing kundi dahil sa tulong niya ay walang Lapid sa showbiz. Makaraang tanggapin ang award ay agad na tinawagan ni Mark ang ama na nasa Pampanga. Tuwang-tuwa ito at ipinaaabot ang pasasalamat sa FAP.
Maganda rin si Lorna Tolentino kaya lang hindi naging fresh ang kanyang beauty ng gabing yon. Sabi nga ng katabi ko ay parang haggard-looking siya.
Magaganda ang batuhan ng mga jokes nina Dina at Pops during commercial breaks dahil may nagtanong kay Pops sa audience kung nasaan si Martin Nievera at kung totoong hiwalay na sila. "Hindi ka updated sa news dahil matagal na kaming hiwalay ni Martin kaya malaya na ako," sey ng singer.
Tanong naman ni Pops kay Dina kung mahal pa nito si Vic Sotto. "Siyempre may dalawa kaming anak at kahawig siya ni Ben Affleck. Ikaw, mahal mo pa ba si Martin?" tanong nito kay Pops.
"May dalawa rin kaming anak pero magkaibigan na lang kami," sagot nito. Magagaling ang mga hosts ng gabing yon at laging may nakalaan silang mga biro para maging alive ang audience.
Magkatabi at manaka-nakang nag-uusap sina Ara Mina at Congressman Chuck Mathay at excited ito nang manalo ang anak bilang "Dazzling Gem of the Night" at sa kalalakihan naman ay si Paolo Bediones. Di man nanalo sa Best Actress category ay okey lang kay Ara. Hindi rin pinapasok ang kanyang stalker ng mga marshall.
Ang nakakalungkot lang ay wala sa awards night ang mga nanalong artista. Si Piolo Pascual na nanalong Best Supporting Actor ay nasa Baguio at may syuting. Si Cherrie Pie Picache na Best Supporting Actress ay wala rin. May karamdaman naman si Lualhati Bautista na nanalo sa Best Story para sa Dekada 70. Nasa Pampanga naman si Gob. Lito Lapid at may mahalagang commitment. Nagpasabi naman si Mayor Vi na kaya hindi siya nakasipot ay dahil birthday ng kanyang youngest son.
Maaaring may kumukwestyon sa panalo ni William Mayo bilang Director at Lapu-Lapu bilang Best Picture pero may kanya-kanya silang opinyon at ang mga bumoto naman dito ay mula sa ibat ibang guild na bumubuo sa Film Academy of the Philippines. Sa kabuuan, mabilis ang pacing ng programa at magaganda ang production number.