Benta sa Young Market

Matapos ang apat na matagumpay na episodes, bumenta ang ABC’s reality-docu-drama The Misadventures of Ariel and Maverick sa isang niche market, ang youth market, at nakakolekta ng sizeable viewership na talaga namang exceptional kung ikukumpara sa reality counterparts. Pinunan ng mga yuppies at college students ang kanilang hunger for alternative programming in local channels sa pamamagitan ng pagsunod sa exploits ng dalawang extraordinary stars ng ABC-5 si Ariel at Maverick. Patunay ito na ang ideal mix ng comedy at drama sa reality format ay tunay na mina ng ginto sa Philippine Television.

Ang show ay nagsimula bilang off-shoot ng isa pang Ideal Minds and ABC-5 reality show-ang On Air. Sa kanilang extraordinary at daredevil pursuit of stardom, binigyan ng Ideal Minds production company sina Ariel at Maverick ng isang 30-minute-show, at napatunayan ngang hindi sila nagkamali.

Pero sa no-holds-barred format ng show, ano kaya ang mangyayari kung dumating sa magkaibigan ang real human conflicts? Last episode, napagkasunduan nina Ariel Villasanta at Maverick Relova na maghiwalay muna dahil sa isang tampuhan over allegedly unequel exposure sa On-Air-Booth. Mukhang hindi ata ikinatuwa ni Maverick ang mas magandang exposure ni Ariel sa kanilang show kaya nagdesisyon itong kumalas sa kanilang tambalan.

Ngayong gabi 9:30, tingnan kung paanong panipisin ng reality-TV ang linya sa pagitan ng katotohanan at fiction. Panoorin kung ano ang mangyayari sa tambalang retro amidst real non-scripted conflicts. Better yet, bakit hindi na lang ipaalam ang iyong suhestiyon at kumento; just key in TV<space>Misad<space> your comments at ipadala sa 2333 (Globe and Touch Mobile) at 288 (Smart and Talk and Text), o ‘di kaya ay sumali sa interactive forum sa www.misadventures.info. Saan ka pa nga ba makakakita ng isang novel alternative in it’s maximum interactivity? Sa istasyon lang yan ng mga bago at orig-ABC-5.

Show comments