Kung tutuusin, si Donita ang unang nagsabi kay Ruffa ng kanilang planong pagpapakasal ni Eric sa buwan ng Hunyo pero inunahan pa siya ni Ruffa.
Ayon kay Donita, ang wedding nila ni Eric ay magiging simple lamang with only their respective families and close relatives and friends in attendance.
Tinatapos na rin ang bahay na ipinatatayo ni Julius sa may Vista Real na siya nilang lilipatan after their wedding.
Kung matatandaan pa, role ni Assunta de Rossi ang ipinanalo niyang Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Mano Po. Hindi lamang nakakuha ng maraming awards ang Mano Po kundi ito rin ang nanguna sa takilya.
Hindi rin si Ara ang first choice sa true-to-life kidnap story ni Cory Quirino kundi si Ruffa Gutierrez. Hindi tinanggap ni Ruffa ang nasabing project dahil bukod sa siyay nagdadalang-tao, naging abala siya sa preparasyon ng kanyang kasal kay Yilmaz Bektas. Ang role ay napunta kay Ara Mina.
Ayon kay Ara, walang kaso sa kanya kung pang-ilang choice siya, ang mahalaga siya ang last and final choice at sa kanya napupunta ang mahalagang role sa pelikula.
Admittedly, hindi ganun kalakas sa takilya ang first team-up nina Robin Padilla at Kris Aquino sa pelikulang You & Me Against The World.
Although kumita nang mahigit P3M ang The Cory Quirino Kidnap Story sa opening day na pinagbidahan ni Ara Mina at dinirek ni Carlo J. Caparas for Golden Lions Films. Tiyak na hindi ito ang ini-expect na gross ng mag-asawang Donna Villa at Carlo J. dahil sanay na sanay na ang mag-asawa sa mahigit limang milyon sa opening day pa lamang ng kanilang pelikula.
Ngayong showing na ang The Cory Quirino Kidnap Story, pinaghahandaan naman ng mag-asawa ang kanilang susunod na pelikul, another celebrated case ng isang prominent personality na balak nilang ilahok sa Metro Manila Film Festival.
takilya ang first team-up nina Robin Padilla at Kris Aquino sa pelikulang You & Me Against The World.