KC, pila-pila ang manliligaw
March 31, 2003 | 12:00am
Ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang noong mag ninong ako sa binyag kay KC Concepcion, ngayong ganap ng dalaga si KC. Magdi-debut na siya sa Lunes, April 7.
Naalala ko tuloy nung nasa Broadway pa kami para sa GMA Supershow na binigyan ko ng isang kwarto si Sharon Cuneta dahil lagi niyang bitbit noon si KC na wala pang sampung taon gulang noon. Pati ang kanyang lola Elaine ay kasa-kasama rin parati noon.
Madalas ko ring kargahin si KC noon at likas na talaga siyang maganda, bata pa lang. Ngayon, abay pila-pila ang gustong manligaw.
Pero kahit ganoon, hindi siya nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanyang ina. Namana niya ang kagandang loob ni Shawie inside and out.
Pinanood ko rin siya sa The Little Mermaid at talagang, Sharon na Sharon ito. Very talented rin talaga siya. Kung sabagay parehong talented ang kanyang magulang.
Sa isang linggo, ganap na siyang dalaga. At sino nga namang magulang ang papayag na palampasin ang ganitong pagkakataon. Siyempre, isang engrandeng selebrasyon ang magaganap.
Sa iyo apo isang maligayang kaarawan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended