Kaya sa halip na ikahiya ni Carlo ang kapatid nito sa klase ng papel na ginampanan sa Lupe ay balak pa raw nitong sundan ang yapak ng kanyang kapatid sa tamang panahon. "Maybe not now but eventually, I may do a bold role like my brother. Im proud of him kasi mahirap gawin yun."
Kasalukuyang naghahari ngayon sa lahat ng teleserye ang Bituin kung saan naniniwala kaming isa si Carlo sa mga sinusubaybayan ng mga manonood base sa mga reaksyon ng mga manonood na gustung-gusto ang aktor. Naniniwala siya na isang araw ay siya naman ang bibigyan ng pagkakataon at buong suporta ng kanyang mother studio para maging bidang lalaki sa isang pelikula o sa isang soap. Alex Datu