^

PSN Showbiz

Pinag-awayan nina Joey at Kris si Stella L.?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Iba ang nababasa lang kaysa sa mismong napapanood na, ang rebelasyon kasi sa pamamagitan lang ng panulat ay pwede pang ikaila, pero kapag mismong nandu’n na ang tao sa harap ng mga kamera at nagsasalita ay ibang usapan na ‘yun.

Nakarating sa amin ang impormasyon na pagkatapos magsalita ng sexy star na si Stella L sa Showbiz Sabado tungkol sa panliligaw sa kanya ni Mayor Joey ay nagkaroon ng matinding argumento ang aktor-pulitiko at si Kris Aquino.

Diretso kasing sinabi ni Stella L na ang sabi raw sa kanya ni Mayor Joey ay hindi naman ito nakipagrelasyon kay Kris, hindi raw naging sila, na pinaniwalaan naman nu’ng una ng sexy star.

Nakarating na si Mayor Joey sa bahay ng sexy star, ipinagluto pa nga raw ni Stella L ng tortang talong at pritong galunggong ang aktor-pulitiko, at siya rin ay nakarating na sa condo unit nito.

Bukod sa pagsisimba nila ng magkasama sa Baclaran ay halos araw-araw pa silang nag-uusap sa telepono nang mangibang-bansa ang dalaga, at si Mayor Joey pa nga raw sana ang susundo sa kanya nu’ng dumating siya, pero hindi lang natuloy.

Natural, pinaniwalaan naman ng babae si Mayor Joey kaya matagal-tagal din silang nagkasama, walang kaalam-alam si Stella L na hindi naman naghiwalay sina Mayor Joey at Kris.

Nu’ng Sabado ng gabi ay balitang nagkaroon ng matinding tampuhan sina Kris at Mayor Joey, ang mga rebelasyon ni Stella L ang kanilang pinagtalunan, dahil sabit nga ang pangalan ni Kris sa isyu.

Kung kilala nga namin si Kris ay hindi nito palulusutin-palalampasin talaga ang ganu’ng klase ng isyu, hindi ito magsasalita sa anumang programa, pero tiyak na sisitahin nito si Mayor Joey tungkol sa pangyayari.

Hindi bibigyan ni Kris ng oportunidad na mas makilala pa si Stella L, hindi rin ito magpapainterbyu, pero tiyak naming sasakit ang tenga ni Mayor Joey sa masasakit na salitang kayang bitiwan ni Kris.
* * *
Inggit na inggit kay Mayor Joey ang mga kalalakihang nakakausap namin, napakatulis daw talaga ng mayor ng Parañaque, dahil kahit ang dami-dami nang babaeng nauugnay sa kanya ay wala pa ring kadala-dala ang ibang babae na makipagrelasyon sa aktor-pulitiko.

Sabi pa ng isang nakakwentuhan naming aktor na halos kasing-edad na ni Mayor Joey ay nagtataka raw ito kung anong uri ng karisma meron ang aktor-pulitiko, dahil parang walang mapagpilian ang sinumang babaeng napapalapit sa kanya, wala raw umuurong na babae kay Mayor Joey.

Aminado naman ang lahat ng babaeng napapaugnay kay Mayor Joey na hindi basta-basta matatanggihan ng sinumang babae ang kalambingan ng komedyante, napakamaalalahanin daw at ibang klase talagang magmahal ang aktor-pulitiko.

Kahit si Alma Moreno nu’ng nasa kasagsagan ng galit kay Mayor Joey ay nagsabing talagang mahirap tanggihan ng kahit sinong babae ang karisma ng ama ng kanyang mga anak.

Ewan lang namin kung nagkabati rin agad sina Mayor Joey at Kris pagkatapos ng kanilang matinding away, dahil kung kilala uli namin si Kris ay ganu’n lang naman ang TV host, magagalit ngayon, pero bukas lang ay silang dalawa na uli ni Mayor Joey.

Juice ko, si Kristeta pa?

vuukle comment

ALMA MORENO

JOEY

KRIS

KRIS AQUINO

MAYOR

MAYOR JOEY

NAKARATING

STELLA L

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with