^

PSN Showbiz

Kris, inisnab ang kasal ni Ruffa

RATED A - Aster Amoyo -
Ang 8-karat perfect cut diamond engagement ring na regalo ni Yilmaz Bektas nung engagement party na ginanap sa second floor lobby ng Manila Pen last March 22 (Saturday) ay naibigay lang ni Yilmaz sa gitna na mismo ng wedding ceremony noong nakaraang Martes nang bigyan siya ng pagkakataon ng officiating minister na magsalita sa kanilang kasal ni Ruffa Gutierrez sa NBC Tent.

Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ni Yilmaz habang hinihintay niya ang kanyang bride sa may altar. Pareho namang umiiyak ang mag-inang Annabelle at Ruffa habang naglalakad patungong altar at maging ang ama ni Ruffa na si Eddie Gutierrez ay hindi rin napigilan ang pag-iyak.

Ang mensahe ng parents ni Yilmaz na sina Nurhan Celik at Muhitin Bektas ay binasa ng pinsan ni Yilmaz na si Mehdi Ucak in Turkish with English translation welcoming Ruffa sa kanilang pamilya.

Sa mga ninong, hindi nakarating sina G. Silvano Bulgari, Sen. Panfilo Lacson (who was represented by Mr. Jorge Araneta) at si Sen. Edgardo Angara na ipinadala ni Pres. Arroyo sa China. He was represented by his son. At the last minute, nagpasabi si Kris Aquino (isa sa mga secondary sponsors) na hindi siya makakarating dahil sa kanyang taping. Pero may mga mahadera na nagsabi na kaya umano ito hindi sumipot ay dahil naroon din sa wedding ang ex-wife ni Joey Marquez na si Alma Moreno, maging si Sharmaine Arnaiz na minsan ding na-link sa alkalde ng Parañaque.

Nag-abot kami ng mommy ni Ruffa na si Annabelle Rama sa parlor ni Bhoy Navarette at masamang-masama ang loob nito kay Kris.

"Kung tutuusin, ang mag-asawang Aga (Muhlach) at Charlene (Gonzales) ang una kong choice pero nakiusap si Mother Lily (Monteverde) na ipasok si Kris at pinagbigyan ko naman si Mother. Tapos ganun lang pala ang gagawin niya," galit na sinabi sa amin ni Annabelle.

Hindi rin nakasipot si Bong Revilla bilang isa sa mga offerors dahil na-ospital ito for food poisoning. May nagsabi naman na umiwas lang daw ang VRB chairman na makita ang kanyang kumpareng si Jinggoy Estrada who represented former Pres. Joseph Estrada bilang isa sa mga ninong. Bong was represented by his co-star sa Idol Ko Si Kap na si Rufa Mae Quinto na kahit sa isang engrandeng kasalan ay dumating pa rin in her sexy yellow gown at halos nakaluwa na ang kanyang malulusog na dibdib.

Nakasaad sa invitation na 4:30 magsisimula ang seremonyas kaya as early as 4:00 p.m. ay dagsa na ang mga bisita sa Garden ng NBC Tent sa Fort Bonifacio pero nakapagsimula lamang ang kasal ng ganap na 5:45 ng gabi. Si Pastor Joey F. Zabarte ang naging officiating minister. Ang The Strings Minstrels at ang 92 A.D. Choir ang nag-provide ng music sa bridal march. Si Ciara Sotto ang umawit ng Panis Angelicus sa offertory procession. Kinanta naman ni Gary Valenciano ang "I Will Be Here" at si Ogie Alcasid naman ang umawit ng "Our Father". Habang ongoing ang photo sessions, si Carla Martinez kasama ang 92 A.D. Choir naman ang umawit ng "Ikaw" and during the recessional ay inawit naman ng 92 A.D. Choir ang "Conte Partiro".

Napakaganda ni Ruffa sa kanyang off-white wedding gown na gawa ni Inno Sotto. Kung hindi kami nagkakamali $10,000 ang halaga ng gown ng suot ni Ruffa habang naka-Valentino suit naman ang kanyang groom na si Yilmaz.

ALMA MORENO

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BHOY NAVARETTE

BONG REVILLA

CARLA MARTINEZ

CIARA SOTTO

RUFFA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with