Dahil sa giyera, Yilmaz muntik di makarating sa kasal nila ni Rufa

Aliw na aliw kami sa mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez sa ginanap na Despedida de Soltera sa Manila Pen nung nakaraang Sabado ng gabi.

Ayon kay Annabelle, kung dati-rati’y gustung-gusto niyang hindi matuloy ang kasal nina Ruffa at ni Yilmaz dahil ayaw pa niyang mag-asawa si Ruffa ngayon naman ay talagang nakiusap siya kay Yilmaz na dumating bago ang araw ng kanilang kasal (kahapon) kasi preparado na ang lahat.

Wala pang giyera sa pagitan ng Amerika at Iraq nang planuhin ang kasal nina Ruffa at Yilmaz at kung kelan preparado na ang lahat ay saka naman nagkagiyera at apektado ang flights ng Turkey. Hindi nakadalo si Yilmaz, ang pamilya at mga kaibigan nito sa Despedida de Soltera na siya rin sanang magiging engagement party nina Ruffa at Yilmaz.

Isang daan katao ang magmumula sa kampo ni Yilmaz pero hindi natuloy ang mga ito liban n alamang kay Yilmaz at ilang kasama.

Ayon sa pamilya ni Yilmaz, babawi na lamang sila kay Ruffa pagkatapos ng kaguluhan sa Iraq kung saan din may negosyo ng langis ang pamilya ni Yilmaz.

Yilmaz and company had to take a 12-hour land trip patungong Europe bago ito kumuha ng connecting flight to Manila. It was a long and very tiring travel pero hindi niya kayang hindi siputin ang araw ng kanyang kasal kay Ruffa.

Samantala, namataan naming sa Despedida de Soltera kay Ruffa ang movie queen na si Susan Roces kasama ang kanyang pamangking si Jeffrey, ang controversial figure sa Estrada impeachment case na si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Chinchin Gutierrez, Carmina Villaroel, Aiko Melendez, Snooky Serna, Donita Rose, ang businessman na si Ernest Escaler, si Gng. Stella Marquez-Araneta, Mrs. Tingting Cojuangco, ang mga kapatid ni Ruffa na sina Rocky, Richard at Raymond at iba pang mga kaibigan at kamag-anakan nina Eddie at Annabelle.

Email:<a_amoyo@pimsi.net>

Show comments