Ongoing na ang 45-day training ng mga bagets on acting, singing, dancing, ethics, hosting at personality development under acting expert Beverly Vergel. Si Biboy Arboleda ang tumatayong image consultant ng new batch.
Ang mga nabanggit ay mula sa ilang daang dumaan sa series of auditions of go-sees na isinagawa ng Talent Center sa loob ng ilang buwan. Si Luz Bagalacsa ang na-assign ni Talent Center big boss Johnny Manahan na artist representative o talent handler ng new batch.
Abangan ang bonggang launching ng mga bagong contract artists na ito ng Talent Center ngayong summer.
Kaya nga nang opisyal na ang balitang magbabalik si Tita Cristy bilang isang talk show host ay natuwa ako. Ngayon ko lang aaminin ito, walang pwedeng pumantay kay Tita Cristy bilang isang host. Although masasabi kong iba rin ang istilo nina Kris Aquino at Boy Abunda.
Isa sa hinahangaan ko kay Tita Cristy ay ang kahusayan niyang maghimay ng isyu. Mahusay siyang magtanong even the most controversial question na hindi nau-offend ang kanyang guest. Isang katangian yun para sa akin ng isang mahusay na host.
Going back sa S2, hindi ko kinaya yung rebelasyon ni Jojit de Nero na nagmamahalan (read: lovers) sila ni Jordan Herrera. Matagal nang tsismis na lovers sila but it was only in that interview ni Jojit sa S2 nakumpirma ito. Kwento nga ni Michelle Riano, isa sa mga segment producers ng said talk show, "May picture silang dalawa sa room ni Jojit na may dedication ni Jordan. Ga ang tawagan nila! Nagkatampuhan nga sila dahil may usapan sila ni Jordan na kapag nanalo siya sa Star Awards, pasasalamatan niya si Jojit. Yung Ga na babanggitin ni Jordan, si Jojit yun. Eh ang kaso, hindi nabanggit ni Jordan. Kaya nagtampo si Jojit. Pero okey na sila ngayon," kwento ni Michelle.
Pero ano itong nakarating sa amin na snock-boogie si Jordan sa statement ni Jojit sa S2? Hindi raw ito makapaniwala sa kanyang nakita at narinig.
As we go to the press, nakatakdang magpainterbyu si Jordan sa The Buzz naman para i-deny ang rebelasyon ni Jojit.
Gusto naming batiin si Tita Cristy, kasama sina Edu Manzano, Alfie Lorenzo at Ogie Diaz sa maganda nilang pilot telecast!
Walang kiyemeng aminin ni Bern na 39 years old na siya kaya nga raw magbibigay siya ng party sa kanyang mga kaibigan at katrabaho. Aniya, marami siyang dapat ipagpasalamat sa buhay. Kaya isang dinner party ang inihanda niya ngayong gabi sa Cork Wine Cellar & Grill sa The Loop ng ELJCC.
Happy Birthday, Bern! May God continue to shower you with more blessings and God all the desires of your hearts!