Ang story daw according to my ever reliable source: since ang nasabing condominium ang hang-out nila ni actor-politician na kanyang papa, sinabi raw ni actor-politician na mag-move in na lang ang sexy actress doon.
Nang nakatira na raw ang sexy actress, all of a sudden, inangkin na ang condo at sinabi na sa mga interview niya na nakabili siya ng condo na binabayaran niya ngayon ng installment.
Bigla raw nag-panic ang actor-politician at kinausap ang sexy actress na kailangan na niya ang condo. Pero nag-dialogue raw ang wais na sexy actress na kung pipilitin siyang paalisin don, magi-iskandalo siya at magpapa-interview sa lahat ng talk shows at sasabihin niya ang relasyon nila. So biglang urong daw ang actor-politician dahil baka makarating nga sa misis niya ang milagrong nangyari sa condo niyang milyones din ang halaga.
May ambisyon kasi ang actor-politician na ito na maging presidente ng bansa kaya takot na takot siya sa iskandalo.
Kaya nga pati mga kaibigan niya ngayon na alam ang top secret ni actor-politician ay worried na sa ginagawa nila ng sexy actress dahil nagdududa na ang misis nito.
Notorious din pala ang sexy actress na ito. Imagine with confidence nasasabi niyang binili niya ang condo, yun pala sa kanyang papa.
Kunsabagay, kahit naman si Kris disappointed sa sarili niyang pelikula.
Kasi naman pala, hindi niya binasa ang script ng movie na to bago niya gawin. Sa shooting na lang daw nila nalalaman kung anong gagawin at dialogue nila. "Kasi nong time na ini-offer sa kanya yun, sinasabi niya na kailangan niya ng pera dahil gusto na niyang makabili ng sariling house kaya kahit walang script, tinanggap niya," kwento ng isang showbiz insider.
Hindi rin daw alam ni Kris, na sa finish product, mas mahaba pa ang role ng newcomer na si Elizabeth Burton. Kaya nga raw nang mapanood niya ang movie, disappointed si Ms. Aquino.
Sayang lang, dahil recognized actress na siya after Mano Po, tapos biglang You and Me Against the World lang ang follow-up.
Actually, wala naman talagang masama dahil free si Ara at ganoon din si Ian matapos silang maghiwalay ng non-showbiz wife niya.
"Matagal ko nang kilala si Ian. Sa Flor Contemplacion (the movie), mag-asawa ang role namin," katuwiran niya.
Kung may lumabas mang issue na magkasama sila sa isang car, nagkataon lang daw na walang car si Ian that particular day, eh same way naman sila kaya isinabay na lang niya.
In any case, halos hindi na makatulog si Ara Mina dahil tomorrow na ang showing ng NBI Files, The Cory Quirino Kidnap na follow-up movie niya after Mano Po. "Siyempre mataas pa ang expectation ng tao sa akin dahil sa award ko. Ginawa ko lahat dito kaya very positive ang feeling ko sa movie na to," she said.
During the informal interview, na-mention niya na five to six years from now, plano na rin niyang mag-settle down. Gusto rin kasi niyang magbuo ng pamilya like her friend Jessa Zaragoza na very much preggy na na-mention niya rin na planong magpa-caesarian para hindi mahirapang manganak.
Going back to NBI Files..., mismong si Direk Carlo Caparas ang nagsabi na magaling si Ara sa movie.
After Ruffa, wala na silang ibang naisip para sa role ni Ms. Quirino na wala palang awang ni-rape ng mga abductor niya. "Nong una, akala namin magkakaproblema kami dahil nasa Regal nga si Ara," simula ni Ms. Donna. Pero destiny talaga ang nagbigay ng movie kay Ara. Dahil nong time pala na nag-uusap sila Direk Carlo at Ms. Donna sa Shangri-La tungkol sa actress, nagkataon na nandoon din si Mother Lily. Sinabi agad ni Ms. Donna ang project for Ara dahil nagtanong na rin si Mother tungkol nga sa Cory Quirino. "Hindi naman kami nahirapan. Pinahiram niya agad," Donna said.
At any rate, tomorrow na ang showing ng movie, Wednesday.
By the way, also in the movie are Alessandra de Rossi, Ian de Leon, Zoren Legaspi, Richard Arellano, Mon Confiado and Paolo Rivero.
Kasama rin of course sina NBI Director Reynaldo Wycoco and Cory Quirino herself.