KOK, lilipat

Pagkatapos ng isang linggong rendezvous kasama ang singer-composer na si Jimmy Bondoc sa background ng kanyang hit ballad single "Let Me Be the One," at ng banda ng mga kids-turned-men and a lady who goes by the name Pure Instinct, lilipat naman ang KOK sa acting side of show business. Ngayong gabi ng 7:30, ihahatid ng inyong one and only radio-on TV program ang budding actress na si Meryll Soriano, upang makipagkulitan sa mga Kool DJs.

Katulad din ng kanyang tita na diamond star, mayroon ding pinagkakaabalahang TV acting stints itong si Meryll. Pero, hindi lamang pag-arte sa harap ng camera ang expertise ng young actress na ito. Tunay pala talaga siyang artist, in the strictest sense of the word, dahil mahilig din ito sa photography, styling at painting. Sa katunayan, may plano pa nga siyang pumunta ng London para mag-aral ng Arts Design. Not bad para sa may-ari ng isang Photo Studio (Lente Photography-Design) at isang entrepreneur who’s already equipped enough to conduct workshops.

At siyempre, meron pang isang hilig itong si Meryll, mag-ala DJ! So ‘wag palagpasin ang once-in-a-lifetime na pagkakataong makilala ang "total" artist na ito sa inyong Kool-est tambayan-ABC-5.

Show comments