^

PSN Showbiz

Magnanakaw ng sapatos ni Patricia, buking na?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Napakahalay para sa isang tao ang mapagbintangang magnanakaw, pero mas mahalay marinig na ang isang babaeng maganda na ay seksi pa at kilala na rin ay magnanakaw pala, kalahati na agad ng kanyang imahe at pagkatao ang wasak sa ganu’ng akusasyon.

Nasa ganu’ng sitwasyon ngayon si April Tolentino, ang tinaguriang "Alluring April" sa Clash Dance ng ASAP, ang seksing si April na hinahangaan ng mga kalalakihan.

Matagal nang umiikot-ikot ang mga kwentong may kalikutan ang mga kamay ni April, basta siya raw ang panauhin sa isang programa, asahang tiyak may mawawalan ng kagamitan sa dressing room.

Pero ang pinakahuling pangyayaring mas nagpalala sa sitwasyon ay ang mga balitang lumabas na dalawang linggo na ang nakararaan ngayon ay ninakaw ni April ang tatlong pares ng sapatos ng seksi ring si Patricia Javier.

Ayon sa kwento ay nakamayan si April, dahil ang tatlong pares nang nawawalang sapatos ni Patricia ay nakita sa mismong bagahe ng seksing dalaga.

At ayon pa rin sa usap-usapan, nang mahuli ng grupo ni Patricia na nasa malaking bag nga ni April ang mga nawawala nitong sapatos ay agad na itong nagsalita na magnanakaw pala ang dalaga, hanggang sa kumalat na nang kumalat ang tsismis.

Nang sulatin na namin ang blind item na yun sa isa naming kolum ay tumawag agad sa amin ang mahusay na choreographer na si Lyn Tamayo, ang manager ng dalaga.

Awang-awa si Lyn sa kanyang alaga dahil wala raw namang katotohanan ang mga bintang na ipinupukol kay April, bahagi lang daw yun ng paninira sa kanyang alaga.

"Hindi totoo yun! I was there, sinamahan ko si April that Sunday at walang katotohanan ang mga kumalat na tsismis na ninakaw daw niya ang tatlong pares ng sapatos ni Patricia!

"Sobrang paninirang-puri na ang ginagawa nila sa bata, huwag naman sanang ganu’n, kung professional ang gusto nilang labanan, fine!

"Pero huwag naman sanang personalin si April and much more, huwag naman sanang mag-imbento ng kung anu-anong kababalaghan ang mga taong may lihim na galit sa kanya!" depensa ni Lyn sa kanyang alaga.
* * *
Usung-uso ang nakawan kahit saan, kahit sa mga dressing room ng iba’t ibang istasyon ay naglipana ang mga magnanakaw.

Noon ay ipinagbabawal na ang mga masahista sa loob ng bakuran ng Dos at ng Siyete, ilang beses kasing napatunayan na ang magnanakaw pala sa mga dressing room ay ang mga masahistang du’n na halos nagbababad at kumikita sa pamamagitan nang pagpisil-pisil sa mga hita’t binti at likod ng mga artista.

Sana nga ay mabigyan agad ng pagkakataon si April na malinis ang kanyang pangalan, napakapangit para sa imahe ng isang artista na ay babae pa, ang bintang ng pagnanakaw.

Hindi bale nang tawaging matakaw ang isang artista, hindi bale nang kabitan siya ng tatak ng ka-cheapan o pagiging user. Madali pang tanggapin yun, pero mahirap unawain ang sitwasyon ng pagiging magnanakaw ng isang artista.

Nakakawala ng gana ang taong ganu’n kahit gaano pa siya kaganda, dahil ang pagnanakaw ay isang kasalanang may katapat na parusa.

Kung walang katotohanan ang pangyayari ay huwag naman sanang husgahan agad si April Tolentino, maraming nakakulong sa Muntinlupa ang wala namang kasalanan, pero nananatili roon dahil sa kakapusan ng kakayahang maidepensa ang kanilang mga sarili.

Habang maaga pa, sana’y mahusgahan na agad ang nadumihang pangalan ng seksing si April.

vuukle comment

ALLURING APRIL

APRIL TOLENTINO

CLASH DANCE

ISANG

LYN TAMAYO

NANG

PATRICIA JAVIER

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with