Sa mga sexy stars ngayon ng Viva, kapansin-pansin ang pagiging mabili ni Maui Taylor dahil sunud-sunod ang kanyang movie projects sa Del Rosario-helmed film outfit.
Magkasama sila ni Katya sa Sex Drive at siya rin ang leading lady sa action drama movie na Masamang Ugat na tinatampukan nila Ace Vergel, Eddie Garcia, Victor Neri at Mikey Arroyo at nakatakda niyang simulan ang Ang Huling Birhen sa Lupa.
Syempre pa, natutuwa si Maui sa magandang takbo ng kanyang career ngayon.
Aware sina Patrick at Jodi na silang dalawa ang bini-build up na loveteam ng Talent Center at tanggap ng mga fans ang kanilang team up. Ang dalawa ay kasama sa bagong simulang teleserye ng Dos, ang Darating ang Umaga.
The same goes with Dingdong Dantes at Tanya Garcia, mga pangunahing bituin ng Sana ay Ikaw na Nga. Ang kaibahan nga lamang, hindi sila pareho open pagdating sa kanilang lovelife. Marami ang nagsasabi na very much on pa rin sina Dingdong at Antoinette Taus habang si Tanya naman ay may non-showbiz boyfriend.
Semi-regular din siya sa Eat Bulaga pero bihira na rin siyang makita sa programa.
May problema kaya si Janno sa GMA? Just asking?
Ang pelikulang Munting Tinig ang humakot ng may pinakamaraming awards nung nakaraang Star Awards for Movies ng PMPC.
Naging mahigpit din ang labanan sa pagitan nina Vilma Santos (for Decada 70) at Alessandra de Rossi (for Munting Tinig) para sa Best Actress trophy.
Kung inisnab ng FAP ang Munting Tinig, nariyan pa naman ang FAMAS at Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Pero ang nakapagtataka, umikot na sa ibat ibang international film festivals ang Munting Tinig at pinarangalang isa sa sampung makabagong Asian classics ng American Film Institute sa Los Angeles nung nakaraang taon.
Plano ng bagong tatag na Wild World Entertainment na pagsamahin sa isang pelikula sina Regine at Angela na ididirek ni Joey Romero.
Speaking of Wild World Etertainment, hindi natuloy ang showing ng kanilang initial release na Bold Star dahil kailangan pa umanong magre-shoot ng ilang eksena sa pelikula. Ang nasabing pelikula ay siyang maglulunsad into full stardom sa baguhang si Candy Allison na malaki ang hawig sa dati kong alagang si Jennifer Mendoza.
Dahil sa resulta ng Lastikman, muling naging in-demand si Direk Tony. Kinuha siya ni FPJ sa bago nitong ginagawang pelikula with Efren "Bata" Reyes sa ilalim ng FPJ Productions. May dalawa siyang gagawing pelikula sa bakuran ng OctoArts Films at kinukuha rin siya ng Wild World Entertainment para idirek ang launching movie ni Allan K na pinamagatang Super Man, isang comedy-fantasy.
Honored si Mikey dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay katrabaho niya ang dalawa sa mga hinahangaan niyang actor-sina Eddie Garcia at Ace Vergel.