Ang sila nga ay si Jojit at si Jordan Herrera, ang baguhang aktor at myembro ng Power Four (dating Power Boys), isang uri ng relasyong matagal nang pinag-uusapan nang pabulong pero ngayon lang napag-usapan nang malakas-lakas.
Saludo kami sa respetong ibinigay ni Jojit kay Jordan sa kabuuan ng aming panayam, marami nga namang mga bagay-bagay na hindi na kailangan pang diretsong binibitawan, pero napakadaling hulihin ng nilalaman.
Marami nga namang paraan para maitawid ang isang sitwasyon nang walang mga detalyeng sangkot, pero sa pagbibitiw pa lang ng sagot sa katanungan ay nandun na ang gusto mong tumbukin.
Sa tanong kung gaano niya kamahal si Jordan Herrera ay sinsero ang kanyang sagotimmeasurable.
At sa tanong naman kung hanggang kailan niya mamahalin si Jordan ay walang pagdadalawang-isip niyang sinabing hanggang kailangan.
At napakaganda ng binitawan niyang linya sa pagtatapos ng aming panayam, kahit isang saglit lang sa kanyang buhay ay hindi niya pinagsisihang nakilala niya ang isang Jordan Herrera.
Gusto naming itawid kay Jojit ang aming taos-pusong pasasalamat dahil ipinagkatiwala niya sa amin ang pinakapersonal na bahagi ng kanyang buhay.
Paliwanagan lang ang naganap sa aming pagitan, walang sapilitan, pero paminsan-minsan ay nandun ang kanyang pag-aagam-agam.
Hindi ang kanyang sarili ang inaalala ni Jojit, nabubuhay siya sa katotohanan at ayaw niyang isang araw ay balikan siya ng mga panunumbat.
Ang inaalala niya ay ang kapakanan ni Jordan Herrera, hanggang kaya niyang harangin ang lahat ng batong ipupukol kay Jordan ay haharangin niya.
Pero nagawa yun ni Jojit nang walang malisya, nasabi niya ang mga pangyayari sa paraang mauunawaan ng publiko, dahil nandun ang kanyang pag-iingat.
Pwede niya namang itapon ang kanyang milyones sa kung kani-kanino, pwede na siyang bumili ng pagmamahal sa estado ng kanyang buhay ngayon, pero ayaw niyang dayain ang kanyang sarili.
Kung sino lang ang idinidikta ng kanyang puso ay dun lang siya sa taong yun, ayaw niyang umibig sa iba, dahil kapag nakipagrelasyon siyay puso ang sangkot at pinakamahalaga.
"Sa panahon pong ito na nagawa ko nang iahon sa kahirapan ang pamilya ko, its about time na ang personal happiness ko naman ang bigyan ko ng pagpapahalaga.
"Hindi po ako pinaligaya ng pera, pinangarap kong yumaman nung bata pa ako na halos wala kaming makain, pero nung dumating na ang pangarap ko, hindi naman pala pera ang be all and end all ng buhay.
"You still have to look for someone na makapagpapaligaya sa iyo, pagiginhawahin ka lang ng pera dahil anytime, eh, may mabubunot ka sa bulsa mo, pero hindi po pera ang lahat-lahat sa ating buhay.
"Ang nakapagpapasaya sa akin, eh, yung nakatutulong ako sa maraming tao, yun ang happiness para sa akin, dahil dun ko nasusukat ang worth ko," sinsero pang pahayag ni Jojit.