Dapat lang para naman updated sila sa mga nangyayari sa mundo. Pero Im sure yung ibang artista particular na ang mga bagets na walang alam gawin kundi magpa-cute sa TV ay hindi alam ang nangyayari sa kapaligiran. Mas type pa nilang magsabi ng kung anu-ano sa interview kesa manood ng may kabuluhang palabas sa TV.
Sa foreign type raw ni Presidente si Richard Gere nong medyo bata bata pa ito.
Grabe na to. At least hindi na kailangang sabihin ni Jericho na siya ang most desirable young actor right now. Eh kung si Korina Sanchez nga na parang ang hirap maka-relate sa artista, crush din si Jericho.
Kaya kung ako kay Kristine Hermosa na balitang after ipalabas ang kanilang last movie, Ngayong Nandito Ka eh biglang nagdi-dedmahan, wag na siyang magpa-hard to get. Baka maraming makauna kay Jericho. Im sure maraming naghihintay sa kanya.
Ayon sa source ng Baby Talk, ipinakilala na ni Noynoy si Joy kay Madam Cory at nagpa-plano na rin daw ang dalawa na pakasal.
In fact, may ibinigay na raw engagement ring si Noynoy kay Joy.
Actually, alam naman ni Kris na may gf ang kuya niya pero hoping against hope siya si Korina ang makatuluyan ng kongresista niyang older brother.
Hindi kasi celebrity si Joy pero law student naman siya at pretty sabi ng source ng Baby Talk, kaya mas feel ni Kris si Korina na maging sister in law.
Lahat ng makakita sa kanya, yun agad ang impression. "Hindi mo talaga sasabihin na yun ang parents niya. Walang kahit konting resemblance," the source said.
Tapos daw, ang hirap pa raw ka-negotiate ng parents nito.
Sayang very promising pa naman daw ang bagets na to. Pero kung hindi magiging supportive ang parents, baka raw walang mangyari sa career nito.