^

PSN Showbiz

James Trovador Ramos abala sa sports tournament

- Veronica R. Samio -
Hindi naman pinanghinawaan si James Trovador Ramos sa pelikula. Katunayan, marami pa siyang gagawing pelikula na bukod sa pangungunahan niya ay ididirek pa niya.

"Pero, sa ngayon dito muna ako," panimula niya nang pasyalan ko siya kamakailan sa kanyang Tracma (Trovador Ramos Academy of Consolidated Martial Arts) gym sa Cubao.

Of course, he was referring to his original love, ang martial arts. Sa kasalukuyan ay marami siyang tinuturuan ng martial arts sa kanyang gym na aniya ay hindi lamang isang mahusay na exercise kundi isa pa ring magandang self-defense. Surely, hindi lamang mga lalaki ang tinuturan niya kundi maging ang mga babae rin base sa mga nakita ko sa kanyang gym.

Sa Linggo, Marso 23, gaganapin ang kauna-unahan niyang Supreme Fighting Tournament, isang mix martial arts competition, sa Philsports Arena. Marami na ang naghihintay na mapanood ang event na ito na ang magiging highlight ay isang Octagon Ring na kung saan gagawin ang labanan.

Ang mga competing team ay ang TRACMA, Buhawi Martial Arts, Goju-Jitsu, Pinoy Martial Arts, Pointbreak, Filcoma-Suntokaran, Yaw-Yan, Universal York, Stanley Striking Submission, Masang Ekis Pinoy Streetfighter, Taekwondo, Muay-Thai at marami pa.

May mga tatlo pang ganitong events na gagawin si James bago matapos ang taong ito.

In between, he is planning to shoot an action movie na may ganitong tema. Plano niyang ipunin ang 16 na martial arts player mula sa iba’t ibang martial arts club na tumitimbang mula 126 hanggang 134 lbs. Walang star sa pelikulang ito. Ang konsepto ay kunan ang bawat player at ang kanilang istilo ng paglaban. Susunod na ang eliminasyon.

Isusunod na rin ang magiging ikatlong directorial vehicle ni James,
*****
Gumaganda ang takbo ng showbiz career ni Zoren Legaspi. Bukod sa regular siya sa top rating soap na Habang Kapiling Ka ay nakuha niya ang napaka-challenging role na lider ng isang kidnap-rape gang sa comeback movie nina Director Carlo Caparas at Donna Villa ng Golden Lions Films na NBI Files: Cory Quirino Kidnap.

"Sa simula pa lamang ay alam kong magiging mahirap ang trabaho ko dahil may playdate na ang movie. Mabuti na lamang at magagaling at very capable ang mga nakasama ko bilang myembro ng Kidnap Gang gaya nina Ian de Leon, Paolo Rivero, Mon Confiado at Richard Arellano.

Second time nang magkasama nina Zoren at Ara Mina sa movie. Si Ara ang gumaganap ng role ni Cory Quirino na nabiktima nina Zoren. Una silang nagsama sa Nagbabagang Laman.

"Ara Mina is truly a professional. Our scenes came out very well. Pero, kawawa siya dun sa rape scenes namin," ani Zoren.

Masaya si Zoren kahit napapagod siya sa paglalagare ng pelikula at ng kanyang soap. May dalawa pa siyang pelikula na pina-finalize. Open din siya sa sexy role, basta maganda ang role niya at mahusay ang direktor.
*****
Umalis kahapon patungong Singapore si Champagne Morales para mag-host ng isang TV show dun na pinamagatang Mission Green Rock na sponsored ng Singapore Environmental Council.

Isang linggong mananatili dun si Champagne. Bago ang shoot ay kinakailangang mag-workshop muna siya. Isang araw lamang ang pahinga niya sa Linggo. Sa Lunes at Martes, makikipagkilala na siya sa mga modeling agents at nagsu-shoot ng isang segment ng show. Sa Huwebes naman ang recording na ng TV theme song. Whewwwww!

ARA MINA

ARTS

BUHAWI MARTIAL ARTS

CHAMPAGNE MORALES

CORY QUIRINO

CORY QUIRINO KIDNAP

ISANG

MARTIAL

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with