Hindi ako nagkamali. Ang bagong recording artist ng Viva na nagngangalang Dexter ay discovery niya. At sa Australia pa niya ito nakita. Local boy ito who grew up there. Tatlong buwan lamang ito nang mag-migrate ang kanyang mga magulang dun.
Talagang may ear si Pilita for discovering talents. Hindi lang magaling kumanta si Dexter, may magandang boses pa rin ito. Malawak ang range, he can go up and down the vocal range nang walang ka-effort effort and can dish out songs from classics to pop nang walang hirap.
Definitely, hindi na isang boy si Dexter. Hes a man on the verge of success. He may not yet have the dancing feet of a Gary V nor the finesse and confidence of a Martin Nievera pero he has a lot of promise. Nang saliwan niya ang kanyang sarili sa piano at pagkatapos ay sa gitara, nahuli niya ng buong-buo ang loob at puso ng mga dumalo sa launching ng kanyang "Puso sa Puso" album. Dagdag pa ng isang kapwa editor, "Kapag nag-drums pa siya ay talagang napaka-haba na ng kanyang buhok," isang showbiz lingo na ang ibig sabihin ay isa na siyang total performer. Unfortunately, wala nang time para ipakita ang kakayahan niya sa pagtugtog ng mga instrumentong ito, pero, sigurado, kung pinilit lamang siya, baka hindi siya humindi.
Bahagi ng musical background ni Dexter ang pagkakasali sa musical na Fiddler on the Roof nung 1995. Itinuturing niya na pinakamalaking break ang pagkakasali niya sa Londons West End ng dalawang taon sa Miss Saigon sa Theater Royal Drury Lane. Tumanggap siya ng diploma sa Sydney para sa Contemporary Music which included sound engineering, composing and arranging.
Sa istorya ni Raquel Villavicencio, parehong nagpapa-annul ng kanilang marriage sina Goma at Shawie nang muli silang magkita. At napatunayan nila na ang tali na nagbibigkis sa kanila bilang magkaibigan ay mas mahigpit pa sa kapirasong papel na nag-uugnay sa kanila at sa kanilang mga asawa.
Kasama rin sa movie si Paolo Bediones, Dante Rivero, Charina Scott at King Alcala bilang magkapatid na lumaking magkalayo Bobby Andrews, Pinky Amador, Tony Mabesa, Marissa Delgado, Lui Manansala, Nanette Inventor, Dino Guevarra at marami pang iba. Direksyon ni Joel Lamangan.
"I find it very flattering dahilan sa itinuturing ko ang soap na pinaka-highlight ng career ko," sabi ni Tanya na nakatakdang gumawa ng pelikula katambal ang leading man niya sa soap na si Dingdong Dantes.
Nag-enjoy si Tanya sa Sana ay Ikaw na Nga dahilan sa nabigyan siya rito ng tsansa na gumanap ng role ng bida/kontrabida.
"Okay na maging kontrabida dahil napalawak nito ang range ng acting ko. Enjoy din ako dahil nakilala ako nang husto," dagdag pa niya.
Sinabi ng "prinsesa" na balak niyang magtagal pa sa showbiz pero, never siyang magbu-bold. "Mature roles, baka pwede pa."