Nicole Yabut tinanggal ni Mr. M sa 'Klasmeyts'
March 19, 2003 | 12:00am
All set na pala ang ABS-CBN sa bago nilang talk show, ang Showbiz Sabado na magsisimula ngayong Sabado, March 22. Sina Cristy Fermin, Alfie Lorenzo at Edu Manzano ang hosts ng bagong talk show. According to our source, matindi ang bagong talk show na ito dahil walang palalampasin na isyu, event, kontrobersya o anything about showbiz.
Grupo ng Showbiz Lingo ang bubuo ng production and creative staff ng Showbiz Sabado na pangungunahan ni Deo Endrinal, isa sa creative geniuses sa ABS-CBN. Si Risa Afable-Calinawan ang executive producer, while si Ian Reyno ang headwriter. Si Jojo Saguin, dating direktor ng Martin Late @ Night at Kris & Tell ang naatasan na magdirek ng bagong show.
Muling pinatunayan ni Talent Center Senior Vice President Johnny Manahan na he doesnt tolerate any wrong doings ng sinuman sa kanyang mga alaga. This time, si Nicole Yabut, isa sa mga sexy stars ng Klasmeyts ang binigyan ng sanction ng ama ng Talent Center. Pero bago pinarusahan ni Mr. M ang nasabing sexy star, katakut-takot na imbestigasyon ang kanyang isinagawa.
Nakarating sa kaalaman ni Mr. M ang sunud-sunod na reklamo kay Nicole ng ilang mga kapwa niya artista. Una ay siniraan niya ang Klasmeyts co-star niyang si Michelle Estevez. Iniyakan ni Michelle ang isyung ginawa sa kanya ni Nicole. Pangalawa ay si Jenny Miller na katakut-takot na paninira ang inabot kay Nicole. Ikatlo ay si Bayani Agbayani na ginawan din diumano ng isyu with Jenny Miller na naging dahilan para muntik nang maghiwalay si Bayani at asawa nitong si Lenlen. Ikaapat ay si Onemig Bondoc whom Nicole claims na boyfriend niya. Nicole file rape charges against Onemig to which na handang mag-counter charge si Onemig. Ang higit na nagpatindi ng galit ni Mr. M ay ang nakarating sa kanya na Nicole is claiming na hindi na siya contract artist ng Talent Center at nasa pangangalaga na raw siya ni Angge. This is considering na may existing 2-year contract siya with Talent Center.
Dahil sa sunud-sunod na reklamong nakakarating kay Mr. M, nagdesisyon ito na tanggalin na si Nicole sa Klasmeyts at sa stable of artists niya.
Pinapupurihan namin ang pagiging fair and objective ni Mr. Manahan sa kanyang mga alaga. This only proves na talagang may karampatang parusa ang anumang maling ginagawa ng sinuman sa kanyang mga alaga.
Grupo ng Showbiz Lingo ang bubuo ng production and creative staff ng Showbiz Sabado na pangungunahan ni Deo Endrinal, isa sa creative geniuses sa ABS-CBN. Si Risa Afable-Calinawan ang executive producer, while si Ian Reyno ang headwriter. Si Jojo Saguin, dating direktor ng Martin Late @ Night at Kris & Tell ang naatasan na magdirek ng bagong show.
Nakarating sa kaalaman ni Mr. M ang sunud-sunod na reklamo kay Nicole ng ilang mga kapwa niya artista. Una ay siniraan niya ang Klasmeyts co-star niyang si Michelle Estevez. Iniyakan ni Michelle ang isyung ginawa sa kanya ni Nicole. Pangalawa ay si Jenny Miller na katakut-takot na paninira ang inabot kay Nicole. Ikatlo ay si Bayani Agbayani na ginawan din diumano ng isyu with Jenny Miller na naging dahilan para muntik nang maghiwalay si Bayani at asawa nitong si Lenlen. Ikaapat ay si Onemig Bondoc whom Nicole claims na boyfriend niya. Nicole file rape charges against Onemig to which na handang mag-counter charge si Onemig. Ang higit na nagpatindi ng galit ni Mr. M ay ang nakarating sa kanya na Nicole is claiming na hindi na siya contract artist ng Talent Center at nasa pangangalaga na raw siya ni Angge. This is considering na may existing 2-year contract siya with Talent Center.
Dahil sa sunud-sunod na reklamong nakakarating kay Mr. M, nagdesisyon ito na tanggalin na si Nicole sa Klasmeyts at sa stable of artists niya.
Pinapupurihan namin ang pagiging fair and objective ni Mr. Manahan sa kanyang mga alaga. This only proves na talagang may karampatang parusa ang anumang maling ginagawa ng sinuman sa kanyang mga alaga.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am