Emilio, may magic sa mga hubadera!

Malapit nang ipalabas ang Punla, ang bagong pelikula na pinagbibidahan ni Emilio Garcia at ang kontrobersiyal na si T.T. (Tracy Torres), ang bagong sex goddess ng pelikulang Pilipino.

Balik-leading man dito si Emilio pagkatapos ng ilang taon na pag-concentrate sa kontrabida roles sa action films at sa telebisyon. Kung naalala n’yo si Emilio ang laging kinukuha bilang leading man sa mga newcomer na inilulunsad to stardom at sinasabi nila na may ‘magic’ itong si Emilio pagdating dito. Kaya di nakakapagtaka kung maging matagumpay din itong si Tracy Torres. As early as now, gumagawa na ng ingay itong si Tracy, samantalang sa susunod pa na buwan pa nakatakdang ipalabas ang Punla.

Si Tracy ay tumakbo ng hubo’t hubad sa kalye para sa ibang eksena ng pelikula. Siya rin yung nagpakuha ng pictorial na puro mga itlog lamang ang nakatakip sa maseselang bahagi ng katawan nito. Sa Candaba, Pampanga at sa Bulacan ang mga lalawigan na pinili para sa location shooting ng Punla. Ang kuwento ng Punla ay umiikot sa mag-asawang sina Emilio at Tracy. Di sila magkaanak kaya kumuha sila ng ‘baby-maker’ para mabuntis si Tracy. Dito nagsimula ang gulo. Si John Apacible, isa sa mga pinaka-in-demand na leading man ngayon, ay gumanap dito bilang kontrabida sa buhay nila.

Show comments