QC, Entertainment Capital of the Phils!
March 16, 2003 | 12:00am
Tiyak malungkot ngayon si Mommy Rose Flaminiano dahil sumemplang sa takilya ang You And Me Against The World na palabas pa hanggang ngayon. Kasi naman kahit ang mga kalabang pelikulang second week na tulad ng Lupe, higit pang pinapasok ng moviegoers kesa sa tambalang ito nina Robin Padilla at Kris Aquino.
Pati ang title na ginamit nilang kanta ay ang tungkol sa isang ina at kanyang anak na batang lalaki. Baka akala ng mga tao, talagang istorya ng mag-ina ang pelikula. Kung gayon mas kikita siguro kung ipapalabas sa Mothers Day.
Ang dapat kasing katambal ni Binoe, ang isang actress na may hatak din naman sa takilya kahit paano. Kahit sabihin pang idolo ng masa noon si Robin, medyo nabawasan na rin ang kanyang appeal. Natural na nakaapekto rin ang pakikipag-partner niya sa isang matronic beauty na tulad ni Kris Aquino.
Sa opinyon ko lang naman, hindi na siya maaaring pang-leading lady ngayon. Di bat pang supporting actress ang mga awards na natanggap niya? Tama! Pang-suporta lang talaga siya dahil hindi niya kayang magdala ng pelikula.
Sana maging aral na ito kay Mommy Rose at kay Robin Padilla. Next time, Binoe, pumili ka naman ng leading lady na makakatulong manghatak ng mga tao sa takilya.
Naku, ha! Magkakasama sa isang pelikula ng Regal sina Dina Bonnevie at Kris Aquino. Hindi ko lang alam kung magkapatid, magkumare, magkaibigan, mag-ina o mag-tiyahin ang mga role nila. Sino ang gaganap na mas senior na role?
Obvious ba? Tingnan naman ninyo si Ms. D na sexy at blooming hanggang ngayon.
At sa pag-arte naman, sino ang lalamunin sa mga eksenang magkasama sila. Aba, sabi ni Tetay marunong na pala siyang umarte sa kanyang acceptance speech sa Star Awards. Yon ang akala niya. She has all the liberty naman na sabihin ang kanyang sariling opinyon o kayay magbuhat siya ng sariling bangko.
Sa akin at sa iba pang manonood at manunulat, theres a still so much to be desired in her portrayal. Ganon pa rin ang kanyang mga pag-emote na walang depth.
Kaya naman ako nanood ng Mano Po ay maraming magaling na artistang kasama at maganda ang pelikula.
Noong March 8 ay opisyal ng pinanindigan ng Kyusi (Quezon City) ang pagiging "Entertainment Capital of the Philippines" nito.
Ang tag naman na ito para sa Kyusi ay nararapat dahil dito matatagpuan ang mga malalaking TV networks, mga movie companies, mga radio stations, mga nitespots na maraming magagandang mga live shows.
Higit sa lahat maraming mga artista ang residente ng Quezon City. Tingnan nyo ang mga nagiging konsehal dito ay mga artista rin. Pati ang Vice Mayor na si Herbert Bautista, kilalang showbiz personality.
Kaya may Kyusi resolution na maging "City of Stars Week" sa Kyusi ang every second week of March na itinapat talaga sa anibersaryo ng Mowelfund.
Noon din March 8, nagsimula ang partnership nina 1st District Councilor Bernadette Herrera-Dy at Mowelfund Executive Director Boots Anson Roa na tumulong sa mga movie workers upang magkaroon ng livelihood program, dagdag na pagkakakitaan lalot kung wala silang mga movie/TV assignments.
Meron nang sinimulan si Konsehala Herrera-Dy at Ms. Anson-Roa na mga basic haircutting technique at reflexology training courses para sa mga Mowelfund members. Dagdag pa ang free computer courses na talaga namang malaking tulong para magkaroon sila ng dagdag pangkabuhayan.
Pati ang title na ginamit nilang kanta ay ang tungkol sa isang ina at kanyang anak na batang lalaki. Baka akala ng mga tao, talagang istorya ng mag-ina ang pelikula. Kung gayon mas kikita siguro kung ipapalabas sa Mothers Day.
Ang dapat kasing katambal ni Binoe, ang isang actress na may hatak din naman sa takilya kahit paano. Kahit sabihin pang idolo ng masa noon si Robin, medyo nabawasan na rin ang kanyang appeal. Natural na nakaapekto rin ang pakikipag-partner niya sa isang matronic beauty na tulad ni Kris Aquino.
Sa opinyon ko lang naman, hindi na siya maaaring pang-leading lady ngayon. Di bat pang supporting actress ang mga awards na natanggap niya? Tama! Pang-suporta lang talaga siya dahil hindi niya kayang magdala ng pelikula.
Sana maging aral na ito kay Mommy Rose at kay Robin Padilla. Next time, Binoe, pumili ka naman ng leading lady na makakatulong manghatak ng mga tao sa takilya.
Obvious ba? Tingnan naman ninyo si Ms. D na sexy at blooming hanggang ngayon.
At sa pag-arte naman, sino ang lalamunin sa mga eksenang magkasama sila. Aba, sabi ni Tetay marunong na pala siyang umarte sa kanyang acceptance speech sa Star Awards. Yon ang akala niya. She has all the liberty naman na sabihin ang kanyang sariling opinyon o kayay magbuhat siya ng sariling bangko.
Sa akin at sa iba pang manonood at manunulat, theres a still so much to be desired in her portrayal. Ganon pa rin ang kanyang mga pag-emote na walang depth.
Ang tag naman na ito para sa Kyusi ay nararapat dahil dito matatagpuan ang mga malalaking TV networks, mga movie companies, mga radio stations, mga nitespots na maraming magagandang mga live shows.
Higit sa lahat maraming mga artista ang residente ng Quezon City. Tingnan nyo ang mga nagiging konsehal dito ay mga artista rin. Pati ang Vice Mayor na si Herbert Bautista, kilalang showbiz personality.
Kaya may Kyusi resolution na maging "City of Stars Week" sa Kyusi ang every second week of March na itinapat talaga sa anibersaryo ng Mowelfund.
Noon din March 8, nagsimula ang partnership nina 1st District Councilor Bernadette Herrera-Dy at Mowelfund Executive Director Boots Anson Roa na tumulong sa mga movie workers upang magkaroon ng livelihood program, dagdag na pagkakakitaan lalot kung wala silang mga movie/TV assignments.
Meron nang sinimulan si Konsehala Herrera-Dy at Ms. Anson-Roa na mga basic haircutting technique at reflexology training courses para sa mga Mowelfund members. Dagdag pa ang free computer courses na talaga namang malaking tulong para magkaroon sila ng dagdag pangkabuhayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended