"Ako naman talaga ay gustong sumikat sa pelikula. At kung magagawa ko lamang ito sa paglabas sa bold movies, okay lang, walang problema," anang 18 taong gulang na artista na nanghihinayang sapagkat isa siya sa mga hindi nabiyayaan ng malaking boobs. Sana bawas na ang problema niya. Yung pagpapapayat naman ay madali na niyang gawin.
Kung tutuusin, bantulot ang mga magulang ni Lovely, lalo na ang kanyang ina, na payagan siyang mag-bold. Hindi naman niya ito gagawin dahilan sa pera. Kaya naman siyang buhayin ng kanyang mga magulang. May negosyo naman silang inaasahan. Pero, ang pagiging isang sikat na artista ang pinakapangarap ni Lovely. At ngayong nasa edad na ito at kaya nang gumawa ng sarili niyang desisyon ay wala na silang magagawa pa kundi ang suportahan ito.
Ang tagumpay ni Lovely ay nakasalalay sa kanya mismo. Gaano ba siya ka-determinadong pumayat at magkaroon ng katawan? Na kay Lovely lamang ang kasagutan.
Hindi na lingid sa kamalayan ng manonood ng TV ang kahusayan ni Edu bilang isang talk show host. Maraming awards siyang tinanggap na patunay sa kagalingan niya sa trabahong ito.
Sa Magandang Umaga Bayan, he is in his element sa kanyang segment na "One On One With Edu" na kung saan hindi lamang nga kapwa niya artista ang kinakausap niya kundi maging mga pulitiko at mga ordinaryong tao. Nagagamit din dito ni Edu ang kanyang talino sa pagpapatawa kaya nga maging ang mga gumigising ng hindi maganda ay nagagawa niyang patawanin at pasayahin. Riot siya nang umapir minsan na naka-uniporme ng Star Trek.
Makakahinga ng maluwag ang mga tagahanga niya dahil sa ngayon, sa trabahong ito muna siya magpo-focus. Itinuturing niyang isang humbling experience ang ginawa niyang pagpasok sa pulitika at napaka-expensive na exercise. "Pero, walang makapagsasabi na kumuha ako sa kaban ng bayan," pagmamalaki niya.
Si Rey Valera ang Jose Mari Chan awardee for best singer and songwriter. Si Louie Ocampo naman ang George Canseco awardee for best composer. Solo performer awardees naman sina Ogie Alcasid, Jaya, Marissa Sanchez at Aiza Seguerra.
Magiging panauhin ang Bayanihan at Philippine Philharmonic Ensemble.