"Pagod na pagod na ako sa kanya. I am happy for him pero, hanggang dun na lang. Sagad hanggang buto ang galit ko sa kanya. Sa kanya lang uminit ng ganito ang dugo ko," ani Maui sa presscon ng Sex Drive na kung saan ay magkasama sila ni Katya Santos.
"Alam siguro ng Viva ang galit ko and the fact na hindi ko kayang magkasama kaming dalawa sa isang film kung kaya pinalitan siya sa Huling Birhen sa Lupa. But, I had nothing to do with it."
Magkakaroon sila ng lovescenes ni Katya sa Sex Drive.
"Yes po, may lovescene kaming dalawa rito pero, may eksena rin kami ng orgy with Wendell Ramos.
"Kahit pala babae ang ka-lovescene ko, nadadala rin ako. Lalo na si Katya na may kiliti ang mga halik. Mas bold ako rito. Sa Huling Birhen sa Lupa ay inosente ang role ko.
"May frontal ako dito sa Sex Drive. Di lang ito, ipinakita ko na yata lahat ng parte ng katawan ko sa movie. Kung sinabihan pa ako ng more ay baka, ginawa ko pa rin. Ganun ako ka-bold dito.
"Wala kaming rivalry ni Katya. Although we were given separate rooms during shootings, kapag wala kaming trabaho, I go to her room at kwentuhan to death kami."
Totoo rin na nakakaramdam ng takot ang kanyang asawang si Bernadette kapag umaalis siya ng bahay dahilan sa mismong si Gary ang nagsasabi na sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa ay pwede pa siyang matukso sa ibang mga babae. At naniniwala siya na sa buhay ay kailangang mayroong excitement.
Gary has just finished the shoot for You and Me Against the World nina Kris Aquino and Robin Padilla para sa FLT Films. Muli ay naghihintay siya ng pagsisimula ng isa pang bagong project.
Samantala, mas bumigat pa ang ginagawa niyang pag-aalaga ng kanilang anak ni Berna simula nang mag-umpisa ito ng trabaho sa NBN. May news broadcast ito mula Lunes hanggang Biyernes, 7-9 ng umaga.
"I dont mind, nung wala akong movie, kaming dalawa ang palaging magkasama. Now that Berna is busy, pwede uli kaming mag-alagaang dalawa. Gusto ko rin namang may trabaho ang asawa ko. Masasayang ang talent niya kung nasa bahay lang siya. Mabuti naman at nagkakataon na salisi ang sked namin. Pag may work siya, libre ako. Kapag naman busy ako, siya naman ang libre kaya okay lang, walang problema sa aming anak," sabi ni Gary.
Hindi lang sa promo nagpakita ng gilas si Kris, kundi maging sa pelikula. Kayang-kaya na nitong magdala ng movie. In fact, talagang maituturing na siyang a leading lady to reckon with.
Bukod sa mga bagong mukha na ito, ang Silang Mga Rampadora ay nagtatampok kina Melissa Mendez, John Apacible, Odette Khan, Enrico Contreras, Rico Alpapara at ang comebacking na si Aila Marie.
Palabas na sa Marso 19.