Mas magandang kaya ang magawa ni Inno Sotto para kay Ruffa?

Nakita namin si Carmina Villaroel na kausap ng mga executives ng GMA-7 kaya nag-conclude na kami na lilipat si Mina ng istasyon lalupa’t wala naman siyang bagong programa sa ABS-CBN matapos mawala sila nina Pops Fernandez at Zsazsa Padilla sa Morning Girls. Hindi na namin natiis kaya personal na naming tinanong ang manager ni Mina na si Dolor Guevarra na siya mismong nagkumpirma sa amin na tuloy na ang kanyang paglipat sa Siyete kung saan siya magkakaroon ng dalawang programa, isang sitcom at isang soap opera.
* * *
Ang dalawang Click girls na sina Chynna Ortaleza (20) at Dyan Delfin (19) ang pinakabagong image models ng Blowing Bubbles Clothing Apparel. Ang mga naunang endorsers ng Blowing Bubbles ay sina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi, G. Toengi, Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Diether Ocampo at Jay Manalo.

Speaking of Chynna at Dyan, happy ang dalawa hindi lamang bilang bagong endorsers ng Blowing Bubbles kundi dahil consistent top-rater ang kanilang programang Click na kinabibilangan din nina Karen delos Reyes, Alessandra de Rossi, Sherwin Ordoñez, Richard Gutierrez, Bryan Revilla, AJ Eigenmann, Angel Locsin at Railey Valeroso.

Nang dahil sa programa, tinanggap ang loveteam nina Chynna at Richard Gutierrez ganundin naman sina Dyan at Bryan. Although friends lang sina Chynna at Richard, inamin naman ni Dyan na naging sila ni Bryan na umabot din ng seven months. Pero kahit hiwalay na sila, they’re still the best of friends lalo pa’t magkasama pa rin sila sa programa.

Parehong nahinto ang pag-aaral nina Chynna at Dyan. si Dyan ay high school graduate pero hindi siya nag-enrol last year. Pero balak niyang mag-enrol sa pasukan ng business administration pero wala pa siyang school na napipisil. Si Dyan kasama ang kanyang pamilya ay tatlong taon ding namirmihan sa Georgia, USA hanggang sa magdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas pero nasa Georgia pa rin ang kanyang pamilya.
* * *
Na-solved na rin finally ang problema ni Ruffa Gutierrez sa gown na kanyang isusuot sa Manila wedding nila ni Yilmaz Bektas sa darating na March 25 na magaganap sa NBC Tent Garden sa ganap na ika-4:30 ng hapon. Sa halip na sa ibang bansa gagawin ang gown ni Ruffa ay naatasan si Inno Sotto na siyang gumawa ng kanyang gown. After all, si Inno rin ang gumagawa ng wedding entourage ni Ruffa. Since Inno is one of the best designers in the Philippines, baka mas maganda pa ang kanyang gagawing gown kay Ruffa kesa sa Christian Dior at Valentino na siyang unang choice nina Ruffa at Yilmaz.

* * *
Email:<a_amoyo@pimsi.net>

Show comments