In fact, nagpapasalamat pa nga siya na malakas ang recall sa kanya ng tao sa dalawang karakter na ginagampanan niya sa TV sa mga programang Tabing-Ilog (Oliver) at Kay Tagal Kitang Hinintay (Tiborce).
Sa pelikula naman ay hindi siya nadedehado. Nabigyan siya ng nominasyon ng Movies Star Awards bilang Best New Movie Actor. Kaya nga lamang, napaka-limitado ng kanyang tinatanggap na roles sapagkat ayaw niyang gumawa ng sexy movie, di dahil may balak ang ABS-CBN na pagawin siya ng ganitong movies. Walang ganitong career plan para sa kanya. Di na kailangan dahil, napupuno niya ang kanyang oras ng mga pagkakakitaan na di niya kailangang ibuyangyang ang kanyang pangangatawan.
"Ayaw ko ng exposure," panimula niya sa kanyang matatas na pananagalog. "Ayaw ng mom ko at ayaw ko rin maski na naka-swimming trunks lang o briefs in public o sa mga billboards.
"Ok lang ang kissing scenes because I treat work as work pero, yung more steamy love scenes is not for me," dagdag pa niya.
Bukod sa TV at pelikula, malakas na pinagkakakitaan din ni Rafael ang mga provincial shows at commercials. His being wholesome has been a plus factor para kunin siyang product endorser ni Glenda May La Rosa para sa Blue Soda. Isang road tour ang inihahanda para sa kanya sa mga key cities.
Sa Mayo ay nakatakda siyang bumalik ng Abu Dhabi na kung saan ay naninirahan ang kanyang mga magulang para mag-host ng Miss United Arab Emirates Philippines Pageant.
Siyam na taon ding nawala si Lilet na kung saan ay binalikan niya ang kanyang pag-aaral. Graduate na siya ngayon ng MassCom at natuto ng lengwahe ng Hapones dun mismo sa bansang Hapon.
Ang talent manager na si Girlie Rodis ang nagkumbinsi sa kanyang bumalik ng showbiz at dahil dati siyang alaga ni Ronnie Henares, ito rin ang kinuha niyang manager muli.
Dahil mas maganda ngayon ang still single na singer, marami ang kumukumbinsi sa kanyang mag-artista sa pelikula pero, ayaw niya. "Mas priority ko ang pagkanta. Baka madiskaril kapag nag-movies ako," sabi niya.
Nabawasan na ang kanyang pagiging konserbatibo pero, hindi pa rin kaya ng powers niya ang mga musicals na tulad ng Miss Saigon dahilan sa mga love scenes nito.
Last sunday, nagreklamo siya dahil masyado siyang covered sa damit na ipinasuot sa kanya ng GMA para sa SOP.
"Oo conservative pa rin ako pero, hindi naman ganito ka-konserbatibo," sabi niyang natatawa.
Ang mga kinakailangang kwalipikasyon ay ang mga sumusunod: Married at may anak, may taas na 55", magandang pangangatawan, willing magsuot ng bathing suit sa international competition at pwedeng bumyaheng mag-isa.
Ang mananalong Mrs. Philippines ay magku-compete sa Mrs. World finals sa Hunyo sa Las Vegas, Nevada, USA. Deadline para sa submission ng entries ay sa Abril 30, 2003.