Naniniwala si
Belinda Bright na tama na ang kanyang vital statistics na 35-25-35 at wala siyang ipagagalaw pa sa katawan. "Hindi naman importante ang laki ng dibdib kundi kung paano mo dadalhin ang iyong sarili lalo na ang iyong personalidad. Wala naman akong makitang masama kung magparetoke man ang ibang sexy stars dahil pera nila yun pero ako tama na ang aking katawan," anang aktres.
Naniniwala si Belinda sa pagiging magaling na direktor ni
Elwood Perez dahil wala siyang nakitang kalaswaan sa lovescenes nila ni
Jay Manalo sa
Ssshhh... She Walks By Night.
Nanggaling sa mabuting pamilya si Belinda kaya sinabing walang baho na makakalkal sa kanyang buhay. Handa na siyang makipagsabayan sa mga bold stars at alam niyang may patutunguhan ang kanyang career. Ang kanyang ama ay American Italian at Kapampangan naman ang ina. Maswerte si Belinda dahil supportive ang magulang at liberated kaya wala siyang dapat ikabahala kung maghubad man sa pelikula.
Regine, Takot Mag-Concert Sa Tate |
Umalis na sina
Martin Nievera at
Regine Velasquez noong March 5, pero bago umalis ay nag-iisip-isip ang magaling na singer kung itutuloy ang concert. Natatakot si Regine sa kaguluhang nangyayari sa pagitan ng Amerika at Iraq. Iniisip nito ang kanyang pamilya at ayaw niyang malayo sa kanila lalo pa nga at problemado ito na matuloy ang giyera. Pero itinuloy pa rin niya.
Vina, Lagi Na Lang Bridesmaid |
Magkakaibigan sina
Vina Morales, Ruffa Gutierrez at
Donita Rose. Sa tatlo ay napag-iiwanan na si Vina dahil ikakasal na ang kanyang dalawang kaibigan. Sabi nga nito ay lagi na lang siyang bridesmaid. Akala nga namin ay ikakasal na si Vina dahil kung ilang ulit na itong nagkaroon ng relasyon sa mga kilalang pulitiko kabilang na si
Miguel Zubiri.
Naniniwala si Vina na kusang dumarating ang pag-ibig at sa ngayon ay inamin na talagang hindi pa nakikita ang tamang lalaki sa kanyang buhay. "Pero kahit handang-handa na akong lumagay sa tahimik ay wala pa rin akong mapapangasawa. Bastat magugulat na lang kayo pag dumating na siya. Pero ang masasabi ko, never naman akong magiging bridesmaid na lang. Di ko pinangarap na tumandang dalaga," aniya.