Kris umiyak sa text message na tatalunin siya ni Cherry Pie

Vilma Santos made it again! Muling kinilala ang kahusayan ni Vilma sa 19th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club para sa pelikulang Dekada ’70. Last Saturday, sa isang maningning na awards night sa UP Theater ay iginawad kay Vilma ang kanyang ikaapat na Best Actress award mula sa Star Awards. Her last best actress award sa nasabing award giving body ay para sa pelikulang Anak.

Hindi na rin kami nagulat sa pagkakapanalo ni Vilma dahil ang balita namin, nomination pa lang, she already got the most number of votes mula sa mga voting members. Overwhelming din ang final deliberation ng mga members in favor of Vilma.

Last Saturday ay dalawang Best Actress awards ang tinanggap ni Vilma. Bago ang Star Awards, nasa Mapua Gymnasium siya para naman sa Pasado Awards isang annual awards, na iginagawad naman ng mga professors sa buong bansa. This is her award mula sa Pasado. Kasama ni Vilma na pinarangalan sina Boyet de Leon, Kris Aquino, Piolo Pascual at Chito Roño.

In full force ang mga Vilmanian sa UP Theater. Kwento ni Jojo Lim, staunch supporter ni Vilma, "Nahati nga kami, eh. ’Yung iba, nasa Pasado sa Mapua, ’yung grupo ko naman, nasa UP Theater na. Pero nagpunta rin sila lahat sa UP Theater to give full support to Vi."

This year, nakatatlong Best Actress award na si Vilma. Una ay sa Young Critics Circle, pangalawa sa Pasado Awards at pangatlo sa Star Awards.

Binabati namin si Vilma sa sunud-sunod na parangal na nakukuha niya. Matagal nang kinikilala ang kahusayan ni Vilma pero sabi nga niya sa kanyang acceptance speech, nakaka-excite pa rin pala ang manalo. It’s indeed a well deserved award para sa nag-iisang Star for All Seasons.
* * *
Equally speechless and emotional si Kris Aquino nang tanggapin niya ang kanyang Best Supporting Actress trophy. Inamin ni Kris na ipinagdasal niyang manalo kahit alam niyang matindi rin ang mga nakalaban niya. She even wrote about her wanting to win the award sa kanyang "Kris Pix" column sa The Philippine Star.

Tulad ni Vilma, pangatlo ring Best Supporting Actress award ni Kris ang iginawad ng Star Awards. Una ay sa MMFF, pangalawa sa Pasado Awards at itong sa Star Awards.

The night before Saturday, iniyakan ni Kris ang test message na natanggap niya. May kumakalat na leakage sa text na nagsasabing hindi siya nanalo. Na-upset si Kris at inakalang totoo ’yun. Ayon naman sa explanation ng isang PMPC member, in-assume ng nagkalat ng message na si Cherie Pie (Picache) ang winner dahil silang dalawa ni Kris ang matinding naglaban for the award. But it was a landslide win for Kris. Kapansin-pansin sa suporta ng mga Vilmanians nang in-aanounce ang pangalan ni Kris as winner.

Mukhang maganda talaga ang simula ng taong ito kay Kris. Sa telebisyon, all her three shows are doing good. Mula sa Morning Girls With Kris & Korina, The Buzz at ang Game KNB?

Sa movies, nakatakdang ipalabas ang movie ni Robin Padilla, ang You and Me Against The World, ngayong week.
* * *
Gusto naming batiin ang buong pamunuan ng Philippine Movie Press Club sa pangunguna ng kanilang pangulo, si Ms. Julie Bonifacio sa magandang pagtatanghal ng 19th Star Awards for Movies. Ito ang unang term ni Julie as president (who has been with the club for 15 years now) at aniya, gusto niyang maging fair and objective ang club under her leadership. And to come up with credible choice of winners.

Show comments