^

PSN Showbiz

Masyadong madrama ang buhay ni Diana

RATED A - Aster Amoyo -
Natutuwa kami kapag may isang baguhang nagpu-produce ng pelikula dahil isa itong magandang indikasyon na unti-unti nang gumaganda at nakakabawi ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Ang Wild World Entertainment ang pinakabagong producer na sumugal sa pagpu-produce ng pelikula sa pamamagitan ng Bold Star na siyang maglo-launch sa baguhang si Candy Alison (Candy Balancio sa tunay na buhay) na tubong-Bauang, La Union.

Noon pa man ay pangarap na ng 19-year old na si Candy ang mag-artista pero wala siyang koneksyon para mapasok. Noon ay sumali si Candy sa magkahiwalay na patimpalak ng Eat Bulaga at MTB na "TV Babe" at "Calendar Girl" kung saan siya parehong naging runner-up. Pero ang dating pangarap lamang ay isa na ngayong katotohanan nang siya’y mamataan ni Direktor Angelito de Guzman at ipakilala sa big bosses ng Wild World Entertainment na hindi nag-atubiling sa kanya ipagkatiwala ang kanilang unang produksyon, ang Bold Star nga.
* * *
Sana i-dramatize rin ng Magpakailanman ni Mel Tiangco sa GMA-7 ang buhay ng sexy star na si Diana Zubiri dahil napaka-dramatic at colorful ng kanyang buhay. Parang soap opera.

Siyam na taong gulang pa lamang si Diana (who is Rosemarie Joy Garcia sa tunay na buhay) nang iwan sila ng kanyang ama. Naiwan sila sa kanyang nakatatandang kapatid sa kalinga ng kanilang ina na muling nag-asawa. May iba pa ring pamilya ang kanyang ama.

Nang pasukin ni Diana ang pag-aartista, hinanap niya ang kanyang ama at tinulungan niya ito. Binilhan niya ito ng taxi para ito’y makapaghanapbuhay. Pero ang siste, sa kabila ng tulong na ibinigay ni Diana, naging sunud-sunod na ang paghingi sa kanya ng pera ng ama to the point na madalas siyang puntahan sa kanyang trabaho sa Eat Bulaga kung saan regular siya tuwing Miyerkules. Yung mga unang punta ng kanyang ama sa kanya ay pinagbibigyan ni Diana, pero lately, hindi na nagiging maganda ang kanilang relasyon dahil pinagbabantaan pa umano si Diana ng sarili nitong ama na nagpabaya sa kanila.

Umalis na rin si Diana sa poder ng kanyang ina at stepfather at nakapisan siya sa kanyang nakakatandang kapatid na meron na ring asawa sa may Caloocan.

Build-up star si Diana ng Seiko Films. Una siyang ipinakilala sa pelikulang Itlog na sinundan ng pelikulang Kasiping. All the while, ang alam ng marami ay nasa edad na ito. Sixteen lang pala si Diana nang pumirma siya ng kontrata sa Seiko at gumawa ng pelikula sa tulong ng kanyang manager na si Jimmy Mercado (step-dad ni Romnick Sarmenta). Na-discover ni Jimmy si Diana na nakapila sa TESDA dahil gusto niyang mag-Japan at that time. Namrublema rin umano ang agent na may hawak kay Diana dahil menor-de-edad ito.

Dapat sana’y tuluy-tuloy na ang paggawa ni Diana ng pelikula sa Seiko Films pero ito’y pansamantalang natigil dahil nga sa edad ni Diana. Ang kanyang problema ngayon ay sa kanyang unang manager na si Jimmy Mercado dahil hindi umano ito nagbibigay sa kanya ng trabaho habang wala siyang pelikula. Nadagdagan pa ang problema ni Diana nang idemanda siya ni Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong at never umano siyang dinamayan ng kanyang manager. Dahil dito, nag-file si Diana ng kaso laban sa kanyang manager na si Jimmy Mercado para i-annul ang kanilang kontrata at malaki ang chance ni Diana dahil menor-de-edad siya nang pumirma ng kontrata kahit pa may consent ang kanyang ina. Binago umano ang kanyang edad.

Ayon kay Diana, hindi siya aalis sa poder ng kanyang manager. Kailangan niyang kumita para mabuhay. Dahil walang trabahong maibigay sa kanya ang kanyang manager, nagpatulong siya sa ating kasamahang si Jojo Gabinete na siya namang naiipit ngayon sa pagitan nina Diana at manager nitong si Jimmy.

Kung tutuusin, mas madrama pa rito ang buhay ni Diana, pero hindi na namin isinulat lahat para na rin maproteksyunan ang ilang taong malapit sa kanyang puso.

Sa likod pala ng mala-anghel na mukha ni Diana ay nakatago ang napakaraming problema na kanyang dala-dala mula pa sa kanyang pagkabata.
* * *
Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pagyao ni G. Jose Isla sa edad na 75 nung nakaraang Lunes (March 3) ng tanghali sa sakit na cancer sa buto. Si G. Jose ay inihatid na sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park nung nakaraang Biyernes (Marso 7) pagkatapos ng 9:00 a.m. mass. Naiwan ni G. Isla ang kanyang asawang si Gng. Josefina Isla, mga anak na sina Nesty, Julie, Arman at Bobby, ang kanyang mga manugang at mga apo.
* * *
E-mail us: <[email protected]>

vuukle comment

BOLD STAR

DAHIL

DIANA

EAT BULAGA

JIMMY MERCADO

KANYANG

SEIKO FILMS

SIYA

WILD WORLD ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with