Isang source ang nagkuwento sa amin na kapag nakatalikod daw ang dalawa ay ganun na lang ang maaanghang na salitang pinakakawalan ni Rica, lalo na ng ina nitong si Mommy Alice?
May kuwento pang nakarating sa amin na kaya mabigat ang dugo ngayon ng ilang staff ng ASAP kay Regine ay dahil sa "pagbabaterya-pagkakarga" ng mag-inang Alice at Rica, pati na sa direktor nito na si Direk Johnny Manahan.
"Nagrereklamo si Rica dahil inaagaw daw sa kanya nina Regine at Michelle ang moment kapag nagsasayaw sila, samantalang segment ni Rica ang Rated R," kuwento pa ng aming kausap.
Parang nagagalit si Rica dahil inaagawan ito ng eksena nina Regine at Michelle, lalo na si Regine, na kapag humataw naman talagang sumayaw ay parang walang dalawang anak na lumabas sa kanya sa kaseksihan.
Ganun din ang kuwento tungkol sa diumanoy paninira ng mag-ina kay Michelle, kinakabog daw ng dalaga si Rica sa pagsasayaw, samantalang guest lang naman ang seksing batang aktres sa segment na yun.
Reklamo rin daw ni Rica, kapag pare-pareho ang ibinibigay na costume sa kanila ay nagdadagdag daw ng mga burloloy sa katawan si Regine, kung anu-ano raw ang idinadagdag nang napilayang aktres sa kanilang mga costume, kaya parang mas umaangat ang dating sa entablado ni Regine.
Nakakatawa ang intrigang ito, pero pwedeng totoo nga, dahil uso talaga sa mga artista ang mga ganyang uri ng kontrobersya.
Nagpapatalbugan sila, kani-kanyang agawan ng eksena, kaya nalalaglag ang mahina-hina at lumulutang naman ang marunong gumawa ng paraang makapang-agaw ng pansin ng manonood.
Dalagang-dalaga pa si Rica, si Regine ay may dalawang anak na, pero kapag sabay silang sumasayaw ay mas graceful sumayaw si Regine kumpara kay Rica na parang trumpong kangkarot lang ang kilos.
Lalong naiiwanan ng milya-milya si Rica sa projection, si Vina Morales ang puwedeng itapat kay Regine sa pagpo-project sa harap ng mga kamera, hindi si Rica.
Napakalaki ng pagkakaiba ng pagsasayaw nina Regine at Rica, may istorya kung sumayaw si Regine, samantalang si Rica ay parang wala lang, parang basta matapos lang nito ang sayaw.
Kahit kay Michelle Bayle ay naiiwanan si Rica sa pagsasayaw, parehong maganda ang kurbada ng kanilang mga katawan, pero ibang gumalaw si Michelle.
Kahit ang mga kalalakihang nakakausap namin ay nagagandahan sa pagsasayaw at projection ni Regine, parang dalaga pa rin daw kung gumalaw ang napilayang aktres, samantalang si Rica na ka-dalagang tao ay parang magaslaw kung sumayaw.
Dalawang magagaling na choreographers ang hiningan namin ng opinyon tungkol sa kontrobersyang ito, tinanong namin ang mga kilalang choreographers kung sino sa kanilang palagay ang mas mahusay sumayaw kina Regine, Rica at Michelle.
Hindi na pinagkumpara ng mga kilalang choreo ang tatlo dahil pare-pareho lang daw naman nilang nahahawakan sa ibat ibang pagkakataon ang tatlo, pero meron silang sinabi.
"Sina Regine at Michelle kasi, alam mong may background sila sa pagsasayaw, may foundation sila dahil pareho silang nag-ballet nung mga bata pa sila, kaya they have grace.
"Si Rica, we doubt it, parang wala, coz it doesnt show in her way of dancing," sabi ng aming mga kausap na kilalang mahuhusay na choreographers.