Ang tanong ay tanggapin kaya sila ngayon bilang Power Four? Siyempre naman dahil sila pa rin ang mga original members ng grupo na alangan na rin namang tawaging "Boys" dahil mga grown-ups na sila at talaga namang hindi habang panahon ay mga totoy sila.
Baka sabihin pa ng ilang mga intrigera o inggitera, mga retardates sila kung mag-stick sila sa "Boys" ang kakabit sa tawag sa kanila.
Ngayon as Power Four or P4, maaaring sabihing they have grown not only physically but in all aspects of their showbiz career.
Ilang panahon na silang tinuturuan ng pagkanta ng bantog na vocal coach na si Dr. Erikk Cruz, mula pa ng dumating si Doc Erikk galing sa Orlando, Florida.
Doon kasi sa Orlando ay meron na rin Sing! Vocal Power Institute si Doc Erikk at nakarehistro at copyright na ang kanyang unique singing method sa U.S. Patent Office.
Sabi ni Doc Erikk, malaki na ang improvement ng apat sa pagkanta after three sessions pa lamang with him. Kaya huwag kayong magugulat sa Power Four kapag narinig ninyo silang kumanta ngayon.
Siyempre pati sa pagsasayaw alagang-alaga silang turuan ng choreographer na si Geleen Eugenio at iba pang dance experts.
Pati na ang anak ni Geleen na si Miguel Tanchanco (naging UMD member) na dalubhasa sa street dancing ay magiging dance instructor din ng Power 4.
Malapit ng matapos ang kanilang album from Universal Records dahil madalas na ang kanilang recording session, lalo pat armado na sila ng makabagong singing technique.
Ang Power Four ay tuloy pa rin ang ibat ibang live engagement sa Metro Manila and provinces. Madalas din silang makitang guest artists sa mga shows ng GMA.
Kailan lang ay maraming pinasaya ang Power Four sa Kook Ka Lang at nag-guest na rin sila sa SOP last Sunday.
Totoo naman kaya ang balitang magiging mainstay ang Power 4 sa Eat Bulaga? Inaabangan kasi ng mga tagahanga ng Power 4 na magkaroon sila ng permanenteng show kung saan sila maabangang palaging panoorin.
Sagot ko naman baka tungkol sa mag-ina ang istorya nito tulad ng kantang pinasikat ni Helen Reddy na "You And Me Against The World" na tungkol talaga sa kanya at anak niyang lalake.
Ayaw pa rin paawat ang bading at dagdag pa: "Ewan ko lang, di ako sure, kung nanay niya yon o tiyahin niya. Dami naman magagandat sexy stars diyan bakit matrona pa ang naging kapareha niya."
Malayo pa ang Mothers Day, di ba?
Kakantahin ng Masculados ang mga selections sa kanilang self-titled album mula Universal Records tulad ng "Sana Mama", "Macho Papa", "Lagot Ka" at ang "Masculados" anthem.
Meron din silang nakahandang mga papremyo at iba pang sorpresa sa kanilang mga fans. Magkakaroon ng autograph signing after the show. May libreng full-color Masculados poster sa lahat ng bibili ng CD o cassette sa SM Bicutan.