Sa You and Me Against the World, isang mother role ang tinanggap niya, mother ng baguhang si Elizabeth Burton which she doesnt mind dahil bilang artista alam niya na kailangan niyang maging flexible. "Kahit papangitin ako okay lang, yung maging mom pa kaya ang hindi. Besides, mom na rin ako in real life," paliwanag niya bagaman at ang anak niya ay maituturing na sanggol pa, isang baby girl na two years and eight months na. Kasal siya kay Mark Vincent Gavino, isang consultant sa interior designs.
Last movie niya ang Trudis Liit na ginawa niya five years ago. "It won so many awards, mga 15 out of the 18 major awards in the Metro Manila Film Festival," pagmamalaki niya.
Isa sa magagandang balita ni Jackie ay ang pagkakabati-bati na ng mga Aquinos, the older and younger ones. Matatandaan na bago ito ay hindi sila masyadong nag-uusap na magpapamilya.
"Kaming mga third generation na lamang ang mga may problema. Last Christmas, nagbati-bati na yung 2nd generation na Aquinos.
"Nagkaroon kami ng reunion sa house ni Tita Tessie (Aquino-Oreta). Before that nagkaroon ng get together in my dads (Cong. Butch Aquinos) place. Sa last reunion, di nakasipot si Kris (Aquino) dahil sa rami ng trabaho. "Pero, okay na kaming magpipinsan, kami rin ni Kris.
"Im glad na nagkasama rin kami sa trabaho. First time namin ito sa pelikula. In the past kasi, marami ang gustong mag-produce for us pero, kami naman ang di pwede."
Pinaka-fondest memories ni Jackie kay Kris ay "Its a political thing. Habang yung mga ibang young ones were having parties, kami ni Kris, abala sa mga rallies. But we didnt mind. At the time okay lang sa amin ang ganitong mga happenings," sabi ni Jackie who aside from her other showbiz works is a member of the MTRCB since November. "I am a balanced member," ang sagot niya sa suggestion na huwag naman siyang maging masyadong mahigpit.
Afrer his stint sa pam-bagets na programa ni Kuya Germs, nakasama siya sa grupong Wise Guys with another Thats member in the group, si Edgar Tejada.
Naging manager din niya si Pilita Corrales. Nakasabay niyang mina-manage nito si Jaya.
Nagkaroon na siya ng isang single from Viva, ang "Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan".
Ikalawang recording niya itong "You And me Against the World", theme song ng pelikula ng FLT Films na may kaparehong titulo at pinangungunahan nina Robin Padilla at Kris Aquino. Makakasama ito sa album na ginagawa niya na aniya ay malapit nang matapos. Mayroon itong Tagalog adaptation na ginawa nina Ben at Deng Escasa. Ang album ay naglalaman ng mga original songs plus two revivals, ang "Times Of Your Life" at "Everybody Knows".
Tapos na ng kanyang pag-aaral si Joaquin ng AB MassCom sa Angeles University kaya mabibigyan na niya ng kumpletong konsentrasyon ang kanyang showbiz career.