Miriam nauna pang mag-drama sa TV
March 7, 2003 | 12:00am
Kasalukuyan pang sinu-shoot ang unang pelikula ni Miriam Quiambao sa Viva Films, ang Walang Kapalit topbilled by Sharon Cuneta and Richard Gomez at kung saan ay makakasama niya rin ang kanyang ka-partner at co-host sa programang Extra Extra na si Paolo Bediones.
Bago ito ay una siyang napanood sa isang sitcom ng GMA, ang Idol Ko Si Kap na kung saan ay nakatambal niya si Bong Revilla. Nagpaalam lamang siya sa programa para mag-concentrate sa current affairs programs, gaya ng Unang Hirit at ngayon nga, sa Extra Extra.
Kung noon ay takot siyang sumalang sa mga programa na nangangailangan ng acting, ngayon ay mas matapang na siya na mag-try nito. Tampok siya sa The Nelia Sancho Story ng drama anthology na Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.
Sa episode na pinamagatang "Nang Bumaba sa Lupa ang Bituin sa Langit", ginagampanan niya ang role ng isang former Queen of the Pacific at nung 1969 ay naging 1st runner-up ni Gloria Diaz sa Bb. Pilipinas pageant na si Nelia Sancho. Mas malaking balita ang sumunod dito, nang iwan niya ang glory ng kanyang korona at ang alok na maging isang international model para sumanib sa underground movement at maging young activist sa panahon ng martial law. Hinuli siya at ikinulong pero, hindi siya nagsisi sa kanyang ginawang paglaban para sa mga kababayan niyang Pilipino, partikular na yung para sa kababaihan. Nang lumaya siya at magpahanggang sa ngayon patuloy pa rin siya sa pagiging womans right lobbyist.
"Acting in front of a TV camera is more nerve-wracking and challenging than competing in a beauty pageant," nakangiting sabi ni Miriam.
Kasama niya sa cast sina Gary Estrada (co-activist/bf ni Nelia), Ana Capri (kaibigan), Vic Vargas (mahigpit na ama niya na isang abogado),Raquel Villavicencio (mother), Mandy Ochoa (campus suitor) at Joseph Buncalan (comic pal sa underground).
Hindi ko nakilala si Allen Dizon nang makita ko sa presscon ng Bold Star ng Wild World Cinema na ginanap sa Annabels nung Miyerkules ng tanghali. Kahit na nung umupo na ako sa harap niya ay dedma pa rin ako sa kanya. Nung umupo na lamang siya sa presidential table at ipakilala silang lahat ng cast ay saka pa lamang ako nagulat.
Si Allen na pala yun. Bakit tila yata pumuti siya? At kaya hindi nakilala ay dahilan sa inahit niya ang bigote niya. Para sa isang mahilig sa balahibuhin at mabuhok na lalaki, mas okay pala siya na walang bigote, mas malinis tingnan at, definitely, mas gwapo! Nagtaka tuloy ako kung bakit nagpapatubo pa siya ng bigote, gayong nagmumukha siyang kontrabida.
Kasama si Allen sa Bold Star ng bagong tatag na WWECI na pinamumunuan ni Reno G. Lim. Isa siyang antique dealer na na-involve sa imbestigasyon ng pagkawala ng isang hubadera. Katambal niya ang inilulunsad na si Candy Alison.
In demand sa mga pelikulang bold si Allen. Limang taon na siya sa negosyong ito pero, walang senyales ng pagtamlay ng career niya. Mapagkakatiwalaan din siya sa acting. Pruweba nito ay ang kanyang nominasyon sa isang foreign film festival bilang Best Actor.
At kung sa mga nakaraan niyang pelikula ay hindi sila nakita minsan man ng press, dito sa Bold Star ay magiging visible siya sa promotion nito.
Napakaswerte naman ni Myles Hernandez. Sa dinami-dami nilang myembro ng Viva Hot Babes ay na-single out siya para bigyan ng kanyang launching film ahead of Jen Rosendahl, Kristine Jaca, Sheree, Hazel Cabrera, Gwen Garci at kasunod naman nina Maui Taylor, Katya Santos at Andrea del Rosario.
Ilo-launch siya sa Kasalo sa isang istorya ni Lualhati Bautista at ididirek ni Mac Alejandre.Wala pang napipiling aktor para gumanap ng kanyang kapareha pero personal choice ni Myles si Albert Martinez.
"Gagawin ko yung mga ginawa nina Maui, Katya at Andrea. Pero, mayroon akong ibang paraan ng paghuhubad, para naman hindi kami magkapareho," ani Myles.
Bago ito ay una siyang napanood sa isang sitcom ng GMA, ang Idol Ko Si Kap na kung saan ay nakatambal niya si Bong Revilla. Nagpaalam lamang siya sa programa para mag-concentrate sa current affairs programs, gaya ng Unang Hirit at ngayon nga, sa Extra Extra.
Kung noon ay takot siyang sumalang sa mga programa na nangangailangan ng acting, ngayon ay mas matapang na siya na mag-try nito. Tampok siya sa The Nelia Sancho Story ng drama anthology na Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.
Sa episode na pinamagatang "Nang Bumaba sa Lupa ang Bituin sa Langit", ginagampanan niya ang role ng isang former Queen of the Pacific at nung 1969 ay naging 1st runner-up ni Gloria Diaz sa Bb. Pilipinas pageant na si Nelia Sancho. Mas malaking balita ang sumunod dito, nang iwan niya ang glory ng kanyang korona at ang alok na maging isang international model para sumanib sa underground movement at maging young activist sa panahon ng martial law. Hinuli siya at ikinulong pero, hindi siya nagsisi sa kanyang ginawang paglaban para sa mga kababayan niyang Pilipino, partikular na yung para sa kababaihan. Nang lumaya siya at magpahanggang sa ngayon patuloy pa rin siya sa pagiging womans right lobbyist.
"Acting in front of a TV camera is more nerve-wracking and challenging than competing in a beauty pageant," nakangiting sabi ni Miriam.
Kasama niya sa cast sina Gary Estrada (co-activist/bf ni Nelia), Ana Capri (kaibigan), Vic Vargas (mahigpit na ama niya na isang abogado),Raquel Villavicencio (mother), Mandy Ochoa (campus suitor) at Joseph Buncalan (comic pal sa underground).
Si Allen na pala yun. Bakit tila yata pumuti siya? At kaya hindi nakilala ay dahilan sa inahit niya ang bigote niya. Para sa isang mahilig sa balahibuhin at mabuhok na lalaki, mas okay pala siya na walang bigote, mas malinis tingnan at, definitely, mas gwapo! Nagtaka tuloy ako kung bakit nagpapatubo pa siya ng bigote, gayong nagmumukha siyang kontrabida.
Kasama si Allen sa Bold Star ng bagong tatag na WWECI na pinamumunuan ni Reno G. Lim. Isa siyang antique dealer na na-involve sa imbestigasyon ng pagkawala ng isang hubadera. Katambal niya ang inilulunsad na si Candy Alison.
In demand sa mga pelikulang bold si Allen. Limang taon na siya sa negosyong ito pero, walang senyales ng pagtamlay ng career niya. Mapagkakatiwalaan din siya sa acting. Pruweba nito ay ang kanyang nominasyon sa isang foreign film festival bilang Best Actor.
At kung sa mga nakaraan niyang pelikula ay hindi sila nakita minsan man ng press, dito sa Bold Star ay magiging visible siya sa promotion nito.
Ilo-launch siya sa Kasalo sa isang istorya ni Lualhati Bautista at ididirek ni Mac Alejandre.Wala pang napipiling aktor para gumanap ng kanyang kapareha pero personal choice ni Myles si Albert Martinez.
"Gagawin ko yung mga ginawa nina Maui, Katya at Andrea. Pero, mayroon akong ibang paraan ng paghuhubad, para naman hindi kami magkapareho," ani Myles.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended