Sa taong ito ay kabilang sina Gov. Josie dela Cruz at Evangeline Pascual sa awardees.
Sa katapusan ng Marso ay magiging host-singer si Melvyn sa anibersaryo ng DWAN Radio na inaasahang magiging star-studded.
Ayon kay Maye ay hindi siya kayang pataubin ni Tracy kahit sinasabi ng kalabang aktres na mas nakakaangat ito sa kanya. "Mas marami akong pelikula kaysa kanya kahit sinasabi niyang hindi pa ako nakakapag-guest sa telebisyon. Paisa-isa lang ang movie niya samantalang sunud-sunod ang aking mga proyekto, so mas sikat ako kaysa sa kanya," sey pa ng alaga ni Bing Tongco.
"Galit-bati ang drama namin hanggang na-realize na hindi talaga kami compatible sa maraming bagay. Isip-bata kasi siya kaya naging masalimuot ang aming pagsasama. Pero ngayon ay maganda na ang buhay niya dahil marami siyang shows sa abroad. Naghahanap na nga ito ng bahay na malilipatan. Kahit magkahiwalay na kami ay mayroon pa rin kaming communication," aniya.
Produkto si Mon ng stageplay kaya magaling umarte at protegee ito ni Peque Gallaga. Sa sampung taong inilagi nito sa showbiz ay nakagawa na ito ng humigit-kumulang sa 100 pelikula.
Natatakot siyang mag-asawa kahit nasa hustong gulang na. Hes 27 years old. "Mas masarap kasi ang single dahil malaya kang nakakakilos at walang iniintindi sa buhay. Wala akong nobya ngayon at naka-concentrate muna ako sa aking career," aniya.
Wala naman siyang maiinit na eksena sa said movie at ipinaubaya na lang niya ito kina Alberto Esteban at Mark Dionisio. Ipinalabas na ang Malagkit kahapon, Marso 5 under El Niño Films.
Kaiba ang beauty pageant na ito dahil maganda ang kanilang layunin na mapangalagaan ang consumer rights sa bansa. Ipino-promote rin nila ang slogan na "tangkilikin ang sariling atin."
Sa darating na Marso 15 ang beauty pageant na idaraos sa Hotel Rembrandt, 8 ng gabi.