Aga walang pakialam sa ratings
March 6, 2003 | 12:00am
True kaya ang kuwento ng isang gay friend ko na nasira ang hair ng isang actress ng isang beauty expert. Kuwento ng source ng Baby Talk, nasunog daw dahil sa sobrang rebonding at kinailangan pa niyang pumunta ng Bangkok para ipa-fix ang hair - as in kailangan niyang padugtungan para humaba uli. Ito yung katulad ng process na ginawa sa hair ni Lorna Tolentino nang gawin niya ang movie na ABKDIna.
Well, sayang naman kung ganoon. Eh paano kaya kung malaman ito ng mga customer ng hairdresser na ito ang nangyari sa actress? May magpunta pa kaya sa kanya?
Sabi ko nga ba eh, hindi advisable yung masyadong nagpapa-rebond.
Wait na lang tayo kung may magdi-deny. Pag meron, siya na yun.
Hindi pa raw naga-approach ang Eat Bulaga sa camp ni Amy Perez. Pero mismong malapit sa actress ang nagsabi na welcome ang idea na mag-join ito sa Eat Bulaga tutal binalewala naman siya sa MTB kung meron offer ang TAPE Inc.
"Willing silang makipag-negotiate," the source said.
Hindi naman pala masama ang loob ni Direk Edgar Mortiz sa ginawa ng management ng ABS-CBN sa kanya. Kasi nga naman, hindi niya alam na tatanggalin na siya as director or kung may idea man daw ito hindi nila alam na ganoon kadali ang magiging decision.
Kahit nga raw si Ms. Charo Santos, hindi niya ini-expect na wala na pala si Bobot sa MTB.
Kung may pinaka-malakas man daw sa MTB ngayon, yun ay si Bentong. In fact, puwede na raw itong tumakbong councilor sa darating na election. Somewhere in Payatas ang area ni Bentong.
Actually, hindi lang daw sa Payatas malakas si Bentong kahit daw sa abroad kung saan napapanood ang MTB sa TFC.
Kuwento ng isang dating MTB insider - nang mag-show sila minsan sa LA ay nag-dialogue raw si Bentong na "ang hirap pala ng buhay dito sa Amerika. Kailangan mo pera." Pagkatapos daw sabihin ni Bentong yun, isang malaking plastic bag ang napuno na pinasa-pasa at nilagyan ng pera ng Filipino community na nasa audience.
Pero hinarang daw ng TFC staff dahil bawal daw manghingi don. Pero ang katuwiran daw ng isang staff ng MTB, hindi naman yun hiningi.
So ang ending ng nakuhang money na umabot din daw sa almost $2,000, dinala sa bansa at idinonate sa Bantay Bata 163.
Actually, hindi lang daw sa LA malakas si Bentong, kahit saan daw sila magpunta nang mag-tour ang MTB sa America, siya talaga ang malakas.
Kaya raw pag-uwi nito ng bansa, lahat ng klase ng rubber shoes meron si Bentong at ang kanyang asawa, ma-took mo naka-Louis Vitton na bag na bigay din ng mga Filipino residence sa bawat bansa na puntahan nila.
In any case, sana nga hindi magbago ng ugali si Bentong kahit na nga wala nang makakapigil sa pagsikat niya at huwag lumaki ang ulo niya kahit maraming nagsasabi na siya ang nagdadala ng bagong MTB ngayon.
Kung ang ibang artista, conscious sa ratings ng kani-kanilang programa, iba ang case ni Aga Muhlach ng Ok Fine Whatever.
Wala raw pakialam ang actor sa rating, basta ang importante sa kanya, ginagawa niya ang lahat para hindi maging corny ang presentation ng comedy show nila.
Katapat ng Ok Fine Whatever ang Beh Bote Nga ng GMA 7. Pero as of presstime, mas mataas na raw ang rating ng show ni Aga. But again ayaw daw ni Aga na pag-usapan ang ratings.
Actually, ganoon dapat ang attitude ng mga artista sa kani-kanilang show. Kasi parang yung iba hindi na kino-consider ang reaction ng audience sa ginagawa nila, ang iniisip na lang nila yung rating ng show. Kaya kanya-kanya sila ng release ng ratings ng program na minsan wala nang basis.
Salve V. Asis e-mail: [email protected]/[email protected]
Well, sayang naman kung ganoon. Eh paano kaya kung malaman ito ng mga customer ng hairdresser na ito ang nangyari sa actress? May magpunta pa kaya sa kanya?
Sabi ko nga ba eh, hindi advisable yung masyadong nagpapa-rebond.
Wait na lang tayo kung may magdi-deny. Pag meron, siya na yun.
"Willing silang makipag-negotiate," the source said.
Kahit nga raw si Ms. Charo Santos, hindi niya ini-expect na wala na pala si Bobot sa MTB.
Actually, hindi lang daw sa Payatas malakas si Bentong kahit daw sa abroad kung saan napapanood ang MTB sa TFC.
Kuwento ng isang dating MTB insider - nang mag-show sila minsan sa LA ay nag-dialogue raw si Bentong na "ang hirap pala ng buhay dito sa Amerika. Kailangan mo pera." Pagkatapos daw sabihin ni Bentong yun, isang malaking plastic bag ang napuno na pinasa-pasa at nilagyan ng pera ng Filipino community na nasa audience.
Pero hinarang daw ng TFC staff dahil bawal daw manghingi don. Pero ang katuwiran daw ng isang staff ng MTB, hindi naman yun hiningi.
So ang ending ng nakuhang money na umabot din daw sa almost $2,000, dinala sa bansa at idinonate sa Bantay Bata 163.
Actually, hindi lang daw sa LA malakas si Bentong, kahit saan daw sila magpunta nang mag-tour ang MTB sa America, siya talaga ang malakas.
Kaya raw pag-uwi nito ng bansa, lahat ng klase ng rubber shoes meron si Bentong at ang kanyang asawa, ma-took mo naka-Louis Vitton na bag na bigay din ng mga Filipino residence sa bawat bansa na puntahan nila.
In any case, sana nga hindi magbago ng ugali si Bentong kahit na nga wala nang makakapigil sa pagsikat niya at huwag lumaki ang ulo niya kahit maraming nagsasabi na siya ang nagdadala ng bagong MTB ngayon.
Wala raw pakialam ang actor sa rating, basta ang importante sa kanya, ginagawa niya ang lahat para hindi maging corny ang presentation ng comedy show nila.
Katapat ng Ok Fine Whatever ang Beh Bote Nga ng GMA 7. Pero as of presstime, mas mataas na raw ang rating ng show ni Aga. But again ayaw daw ni Aga na pag-usapan ang ratings.
Actually, ganoon dapat ang attitude ng mga artista sa kani-kanilang show. Kasi parang yung iba hindi na kino-consider ang reaction ng audience sa ginagawa nila, ang iniisip na lang nila yung rating ng show. Kaya kanya-kanya sila ng release ng ratings ng program na minsan wala nang basis.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended