^

PSN Showbiz

Mayabang pero nagsimula nang kabaliwan

SUNTOK SA BUWAN - Veronica R. Samio -
Mas napapansin ngayon ang baguhang si Michael Santana bilang kapareha ni Carol Banawa sa serye ng ABS-CBN na Bituin kaysa bilang myembro ng boy band na Boyztown.

Hindi naman ito nakapagtataka dahilan sa isang napakagandang role ang na-assign sa kanya sa serye na tampok sina Nora Aunor, Cherie Gil, Carol at Desiree del Valle. Isang napakayabang na singing star, too confident at mine-menos si Carol. Sa paunti-unti, nagbabago ang kanyang character, bumababa ang loob at dito na magsisimula ang romansa nila ni Carol. May kilig, may chemistry ang kanilang tambalan na unti-unting umaakit sa pansin ng maraming TV viewers.

Isa si Michael Santana, sa tumugon sa panawagan para sa isang bagong mukha na kailangan para sa serye. Sa unang punta niya sa ABS-CBN, tiningnan lamang nila siya. Nung ikalawang pagkakataon na makita nila siya, nagulat sila nang malaman na kumakanta siya.

"I am so lucky to have been given the role of Josh Santana. I was euphoric when informed about the good news," anang baguhang artista na dumarami na ang mga sumusubaybay at humahanga.

Anang executive producer ng Bituin na si Nini Matilac, "Sa kabila ng mayabang na karakter ni Josh Santana sa inaaping si Melody Sandoval ni Carol Banawa, nagkakaroon na ng clamor para sa tambalan nilang dalawa. Nakakagulat ang impact nila sa mga tao sa ginagawang mall tours ng serye. It has the makings of a Nora-Tirso team-up. Galing!"

Pagiging singer ang ginawang audition ni Michael sa kanyang manager na si Manny Valera. Hindi niya inaasahan na mauuwi pala siya sa pagiging isang aktor.

Labingsiyam na taong gulang si Michael at nasa ikalawang taon sa kursong Medical Technology sa FEU College of Medicine.

Bagaman at nung unang isalang siya sa taping ay tinawag niyang Carol si Carol sa halip na sa pangalan nitong Melody sa serye, nagugulat ang mga tao behind the production sa napaka-bilis na improvement na nakikita nila sa kanya.

Makakasama si Michael sa bagong Star Circle Batch na malapit nang ilunsad ng ABS CBN Talent Center ni Mr. Johnny Manahan.
* * *
Bukod sa kanyang pelikula, ang Xerex Xaviera ng Regal Entertainment, pinaghahandaan ni Aubrey Miles ang kanyang record album na magtatampok sa isa pa niyang talino, ang pagkanta.

Bubuuin ang album ng pawang mga original songs at isang revival.

Hindi siya apektado kung hindi man siya ang original choice para sa role ni Xerex. Nasulat kasi na kina Assunta de Rossi at Maricar de Mesa unang inisip na ipaganap ang nasabing role.

"Okay lang maski na last choice ako.

Ang importante, ako ang perfect choice for the role at may trabaho ako," sabi niya.
* * *
Aakalain mo na isang American actor si Larry Marshall na naligaw sa Pilipinas. Gwapo, blonde, blue eyes, 6’2" ang height at macho. Magugulat ka na lamang dahil matatas siyang mag-Tagalog, kuha pati timbre at tono.

Isang bagong recording artist si Larry ng Viva Records na sa loob ng 10 taon ay kumakanta sa Chicago at California. Nakasama na niya sina Jocelyn Enriquez, Jose Mari Chan, Jun Polistico, Joey Albert, Carol Banawa at Hajji Alejandro. Magaling niyang nakakanta ang "Nag-iisang Ikaw" ni Louie Heredia, "Ngayon at Kailanman" ni Basil Valdez at "Anak" ni Freddie Aguilar nang walang bahid ng American accent.

Dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy sa US, nag-decide siya na pumunta rito at ipagpatuloy ang kanyang singing career.

Ang kanyang album ay pinamagatang "Ikaw Ang Dahilan" at inilabas dito nung Pebrero at naglalaman ng 12 Tagalog songs na sinulat nina Vehnee Saturno at Jimmy Borja.

Nasa pangangalaga siya ni June Torrejon. Manager din nina Assunta, Edu, Joel Torre at ng Jeremiah.
* * *
E-mail us: [email protected]

ASSUNTA

AUBREY MILES

BASIL VALDEZ

BITUIN

CAROL

CAROL BANAWA

JOSH SANTANA

MICHAEL SANTANA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with