Anna Dizon is "Reborn"

Maganda ang kinalabasan ng recording ng "Lagi Ka Sa Aking Panaginip", Tagalog version ng "Can’t Get You Out of My Head" ni Kylie Minogue. Dahil dito nag-decide ang controversial singer na si Anna Dizon na gawing carrier single ito ng kanyang bagong album na "Reborn".

Magpapa-sexy at daring si Anna sa music video nito. Ang kilalang fashion designer na si Maxi Cinco ang gagawa ng wardrobe na gagamitin niya sa MTV. Si Direk Louie Ignacio ang magdidirek at ang leading man niya ay ang kanyang handsome and tall husband to be na si August Flor a.k.a. Kevin Monteverde. Apat ang venue ng music video sa Music Museum, The Fort, sa mansyon niya at resthouse sa Oriental Mindoro.

Naririto pa ang 11 cuts ng "Reborn". "Ikaw Pa Rin Sa Puso" (Vehnee Saturno); "Ang Akala Ko" (Saturno); "Bakit Nagagawa Mo Pa?" (Saturno); "For You" (Japanese, Tagalog lyrics by Saturno); "Nais Ko" (revival, Saturno); "Di Magbabago" (Ogie Alcasid); "Come And Take My Hand" (Chinese, English lyrics by Dennis Quila); "I’m In Love Again" (Nonoy Tan); "Dama Ko Sa Iyo’ng Halik" (adapted from "Looking Through the Eyes Of love" by (Melissa Manchester); "Hanggang Saan?" (Edith M. Gallardo) at "Ina" (Dan Pasague).

Third week of February na-release ang "Anna Dizon, Reborn". – Peter Ledesma

Show comments