Nasa Maynila pa ang lady boss ng MMG
March 2, 2003 | 12:00am
Hindi ko masyadong pinapansin yung balitang pagkakalugi ng MMG (Mateo Management Group) na ang pumuprontang may-ari ay ang mag-asawang Engr. Erwin at Evelyn Mateo. Kahit na nung marami na ang naglalabasang investors na halos ikamatay ang pagkawala ng kanilang pinaghirapang halaga na isinosyo sa nasabing kumpanya.
Until a cousin of mine, na matagal ko nang hindi nakikita, ay biglang dumating ng bahay para magpasama sa opisina ng mag-asawang Mateo at hilingin sa kanilang ibalik ang kanilang pera. Akala nila dahil entertainment writer ako at isang editor ay mahihiya ang mag-asawa na hindi ako pagbigyan. I told them point blank na baka hindi na masosoli ang pera nila. Baka wala na ito. Di na raw kasi makita ang mag-asawa, lalo na si misis na balitang lumabas na ng bansa. Nagdisappear na!
Umiyak si cousin. Ang perang isinosyo nila ay mula sa retirement pay ng kanyang asawa na isang commodore sa Philippine Navy. Dinagdagan pa nila ito ng perang mula sa pinagbilhan ng kanilang lupa sa Cavite. Sana bago nila pinakawalan ang pera nila ay nagtanong muna sila sa akin. Pero, sino nga ba ang mag-aakala na maloloko sila?
Umuwi silang umaasang di sila pababayaan ng Diyos.
Mas lalo pang lumabo ang pag-asa nila nang makita ko ang isang item sa isang tabloid na ipinaaaresto ni Engr. Mateo ang kanyang misis na aniya ay nanloko sa kanya, ang binibigyang sisi niya sa diumanoy pagkalugi ng kumpanya nila. Obviously, inilalabas niya sa gulo ang kanyang sarili dahil nagdagdag pa siya ng mga pangalang diumano ay nakatulong ng kanyang asawa sa panloloko sa kumpanya.
Pero, hindi siya naging maingat. Ilang araw matapos lumabas ang balitang pagpapaaresto niya kay misis ay nakita silang dalawa na masayang pumapasok sa residence office ng kanilang abogado sa Roxas Blvd.
So, nandito lamang pala si misis at di totoong tumakas! So pwede pa niyang harapin ang kanyang mga responsibilidad sa kanilang mga investors. Pero, bakit hindi siya nagpapakita? At bakit sa kanya ibinubunton ni mister ang sisi? At sa 14 pang katao na ang ilan ay kilala ng marami na mga maliliit na empleyado lamang nila?
Gaya ni Mrs. Estela Ledesma na presidente ng MMG, ang MMG Entertainment na gumagawa ng mga pelikula ng kumpanya at isa ring investor nila. Ang buong pamilya ng mga Ledesma ay naapektuhan na ng scam. Pati ang sarili nilang movie company ay apektado gayong sila rin naman ay nawalan ng malaking halaga in the process.
Kung maraming opisyal ang sinasabing hindi maabot ng mamamayan sa oras ng kanilang pangangailangan, walang ganitong problema sa Navotas lalot inilunsad na ni Mayor Toby Tiangco ang Navotas Action Center na naglalayong ilapit ang pamahalaan ng munisipyo sa kanyang constituents.
Binuksan ang Project TMT (Text Mayor Toby). Pwedeng mag-text sa pamamagitan ng cellfone. I-type ang TMT <space>Name <space> Barangay <space>followed by the message at ipadala sa 0916-5992258.
Maaari ring gumamit ng computer through the Navotas website www. navotas.ph.
May hotline rin ang center, 281-4174.
Sinabi ng butihing mayor na ang center ay magbubukas ng channels of communication sa pagitan ng pamahalaan at ng mga tao.
Anak ng showbiz couple si Milagros "Snooky" Serna kaya masasabing dugong artista ang nananalaytay sa kanyang ugat. As early as 3, ipinakilala siya sa Wanted: Perfect Mother. Ito ang nagbigay sa kanya ng taguring new child wonder of the Philippine Movies.
Naka-join niya sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie bilang "underage beauties" sa bakuran ng Regal Films.
Ngayoy kabiyak na siya ni Ricardo Cepeda, may dalawang anak na babae (Samantha at Sacchi) at mula sa pa-cute na roles bilang child star at pa-tweetums sa tenny-bopper flickers, eto siya at nasingkaw sa dramatic genre.
Si Snooky ang tampok sa episode na Bahaghari sa Dulo ng Unos (The Marilou "Tootsie" Lazo-Garcia Story) na mapapanood sa popular na drama anthology ng Siyete na Magpakailanman bukas, Lunes, 9 to 10:30 pm. Istorya ito ng isang perky, go-getter na career woman na nagkaroon ng sakit na severe renal failure.
"Napaka-dramatic at inspirational ng buhay ni Tootsie. Sa totoo lang, matapos kong gampanan ang kanyang papel ay nagpasalamat ako sa Diyos. Na eto ako, malusog, may asawang mapagmahal at mga matatalino at healthy kids. Nakaka-touch din ang ipinakitang pagpapakasakit ng sister ni Tootsie (played by Jennifer Sevilla) para madugtungan ang buhay niya," sabi ni Snooky.
Mula sa panulat ni Abet Raz, ang teleplay na dinirek ni Argel Joseph at hosted ni Ms. Mel Tiangco.
Until a cousin of mine, na matagal ko nang hindi nakikita, ay biglang dumating ng bahay para magpasama sa opisina ng mag-asawang Mateo at hilingin sa kanilang ibalik ang kanilang pera. Akala nila dahil entertainment writer ako at isang editor ay mahihiya ang mag-asawa na hindi ako pagbigyan. I told them point blank na baka hindi na masosoli ang pera nila. Baka wala na ito. Di na raw kasi makita ang mag-asawa, lalo na si misis na balitang lumabas na ng bansa. Nagdisappear na!
Umiyak si cousin. Ang perang isinosyo nila ay mula sa retirement pay ng kanyang asawa na isang commodore sa Philippine Navy. Dinagdagan pa nila ito ng perang mula sa pinagbilhan ng kanilang lupa sa Cavite. Sana bago nila pinakawalan ang pera nila ay nagtanong muna sila sa akin. Pero, sino nga ba ang mag-aakala na maloloko sila?
Umuwi silang umaasang di sila pababayaan ng Diyos.
Mas lalo pang lumabo ang pag-asa nila nang makita ko ang isang item sa isang tabloid na ipinaaaresto ni Engr. Mateo ang kanyang misis na aniya ay nanloko sa kanya, ang binibigyang sisi niya sa diumanoy pagkalugi ng kumpanya nila. Obviously, inilalabas niya sa gulo ang kanyang sarili dahil nagdagdag pa siya ng mga pangalang diumano ay nakatulong ng kanyang asawa sa panloloko sa kumpanya.
Pero, hindi siya naging maingat. Ilang araw matapos lumabas ang balitang pagpapaaresto niya kay misis ay nakita silang dalawa na masayang pumapasok sa residence office ng kanilang abogado sa Roxas Blvd.
So, nandito lamang pala si misis at di totoong tumakas! So pwede pa niyang harapin ang kanyang mga responsibilidad sa kanilang mga investors. Pero, bakit hindi siya nagpapakita? At bakit sa kanya ibinubunton ni mister ang sisi? At sa 14 pang katao na ang ilan ay kilala ng marami na mga maliliit na empleyado lamang nila?
Gaya ni Mrs. Estela Ledesma na presidente ng MMG, ang MMG Entertainment na gumagawa ng mga pelikula ng kumpanya at isa ring investor nila. Ang buong pamilya ng mga Ledesma ay naapektuhan na ng scam. Pati ang sarili nilang movie company ay apektado gayong sila rin naman ay nawalan ng malaking halaga in the process.
Binuksan ang Project TMT (Text Mayor Toby). Pwedeng mag-text sa pamamagitan ng cellfone. I-type ang TMT <space>Name <space> Barangay <space>followed by the message at ipadala sa 0916-5992258.
Maaari ring gumamit ng computer through the Navotas website www. navotas.ph.
May hotline rin ang center, 281-4174.
Sinabi ng butihing mayor na ang center ay magbubukas ng channels of communication sa pagitan ng pamahalaan at ng mga tao.
Naka-join niya sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie bilang "underage beauties" sa bakuran ng Regal Films.
Ngayoy kabiyak na siya ni Ricardo Cepeda, may dalawang anak na babae (Samantha at Sacchi) at mula sa pa-cute na roles bilang child star at pa-tweetums sa tenny-bopper flickers, eto siya at nasingkaw sa dramatic genre.
Si Snooky ang tampok sa episode na Bahaghari sa Dulo ng Unos (The Marilou "Tootsie" Lazo-Garcia Story) na mapapanood sa popular na drama anthology ng Siyete na Magpakailanman bukas, Lunes, 9 to 10:30 pm. Istorya ito ng isang perky, go-getter na career woman na nagkaroon ng sakit na severe renal failure.
"Napaka-dramatic at inspirational ng buhay ni Tootsie. Sa totoo lang, matapos kong gampanan ang kanyang papel ay nagpasalamat ako sa Diyos. Na eto ako, malusog, may asawang mapagmahal at mga matatalino at healthy kids. Nakaka-touch din ang ipinakitang pagpapakasakit ng sister ni Tootsie (played by Jennifer Sevilla) para madugtungan ang buhay niya," sabi ni Snooky.
Mula sa panulat ni Abet Raz, ang teleplay na dinirek ni Argel Joseph at hosted ni Ms. Mel Tiangco.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended