Direktor na Vilmanian pero hanga kay Nora!
March 1, 2003 | 12:00am
Although true-blooded Vilmanian ang director ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Darating ang Umaga na si Rory Quintos, hindi nito ikinakaila na hanga rin siya sa husay ni Nora Aunor. Katunayan, isa sa kanyang mga pangarap ang maidirek si Guy (Nora) sa pelikula.
Nakatrabaho na ni Direk Rory si Guy nang siyay maging assistant director ng Star Drama Theater Presents Nora at si Guy pa raw mismo ang kauna-unahang nagsabi sa kanya na magiging isa siyang director balang araw na nangyari na nga.
"Gusto kong maidirek si Ate Guy. I have so much respect for her bilang isang actress," kuwento sa amin ni Direk Rory sa presscon ng Darating ang Umaga.
Ang isa pang actress na gustong maidirek ni Direk Rory ay si Lorna Tolentino.
Si Direk Rory ay nagtapos ng Broadcasting course sa ibat ibang production works at kasama na rito ang pagiging production assistant, talent coordinator, associate producer, production manager at pagiging assistant director.
Pitong taon din ang hinintay ni Direk Rory bago siya nabigyan ng break sa pagdidirek sa telebisyon sa pamamagitan ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Ito rin ang naging simula ng kanyang sunud-sunod na directorial jobs sa telebisyon. Two years later, in 1994 ay binigyan naman siya ng break ng Star Cinema na magdirek sa pelikula sa pamamagitan ng Basta Kasama Kita.
Nasa kolehiyo pa lamang siya ay pangarap na niyang maging isang newscaster at director. Noon ay nag-apply siya kay Tina Monzon-Palma na connected pa noon sa GMA-7 na maging isang newscaster pero hindi siya pinalad na matanggap pero hindi siya nawalan ng pag-asa.
Bukod sa pagdidirek ng ibat ibang programa ng ABS-CBN, nakapag-direk na rin siya ng dalawang teleserye, ang Esperanza at ang Pangako Sa Yo na parehong malaking hit sa mga manonood. Magsisimula naman sa darating na Lunes, Marso 3 ang pangatlo niyang teleserye, ang Darating ang Umaga na tatampukan nina Vina Morales, Eula Valdez, Ian Veneracion, Dante Rivero, Glydel Mercado, Patrick Garcia, Danilo Barrios, Aiza Marquez, Sharmaine Suarez, Aljon Jimenez, Daria Ramirez, Jodi Sta. Maria, Spanky Manikan, Maribeth Bichara, Izza Ignacio, William Lorenzo at Sarji Ruiz.
Once a year naman kung siya ay magdirek ng pelikula na ang pinakahuli ay ang super-hit na pelikulang Kailangan Kita na pinagtambalan nina Aga Muhlach at Claudine Barretto. Ito bale ang kanyang pang-walong pelikula.
Bago simulan ni Direk Rory ang isang proyekto ay kinausap muna niya ang kanyang makakasamang artista at ang mga managers nito at inilalatag niya sa mesa ang kanyang mga requirements sa kanila at kasama na rito ang kanilang pagiging professional sa trabaho.
"Ayokong makipagtrabaho sa mga unprofessional na artista," diin pa ni Direk Rory.
Sinabi rin sa amin ni Direk Rory na gusto niyang balikan si Mark Anthony Fernandez sa malapit na hinaharap para maidirek. "Hes a good actor and a very nice person," sabi pa ni Direk kay Mark.
Tulad ng aming inaasahan, magiging mahigpit na magkalaban sa ratings ang respective programs nina Charlene Gonzales at Lucy Torres-Gomez ang Feel at Home with Charlene sa ABS-CBN at ang All About You sa GMA-7.
Naging maganda ang ratings ng rival programs nina Charlene at Lucy sa initial telecast nito nung February 16. Ayon sa aming nakuhang information, mas lamang ang Feel at Home ni Charlene as compared sa unang telecast ng All About You ni Lucy. Although unofficial ang hawak naming figures, pumalo umano ng 21% ang programa ni Charlene against that of Lucy na nakakuha naman ng 20% ratings. Kumbaga, neck to neck ang kanilang labanan. Nung nakaraang linggo naman, unofficially, nakakuha umano ng 12% ang All About You at 9% naman ang nakuha ng Feel at Home with Charlene. Ang impormasyong ito ay ipinarating sa amin ng isang taga-network at base na rin sa data na ni-released ng AGB Philippines, ang official ratings provider ng industriya.
E-mail us: <[email protected]>

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended