^

PSN Showbiz

Vina loveless pa rin pero maraming suitor

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Buti naman at nagsalita na si Vina Morales tungkol sa issue sa kanila ni Trade Secretary Mar Roxas. "We’re friends lang talaga," she said sa presscon ng kanyang kauna-unahang teleserye, Darating Ang Umaga. Matagal-tagal na rin kasi silang nali-link at nag-deny na si Sec. Roxas tungkol dito.

Loveless pa rin daw siya hanggang ngayon although totoong maraming nanliligaw sa kanya. Kailan lang din ay may nabalitang may suitor siyang lawyer, pero deny-to-death din si Vina. Hindi rin daw totoo ‘yun.

Anyway, matagal-tagal din bago na-convince ng ABS-CBN si Vina na makasama sa teleserye. Mas priority kasi ni Vina noon ang pagso-show sa abroad dahil nga naman mas malaki ang kinikita niya kesa sa acting sa TV na mas matrabaho pa.

But finally, napapayag din siya ng ABS-CBN na makasama sa bago nilang teleserye.

Pero naka-stipulate sa kanyang pinirmahang kontrata na papayagan siyang umalis, pero kailangan niyang mag-taping ng advance.

In any case, same production theme behind Pangako Sa ‘Yo ang nasa likod din ng Darating Ang Umaga headed by Direk Rory Quintos.

Kasama ni Vina sa Darating Ang Umaga sina Eula Valdez kung saan magkapatid ang role nila, Dante Rivero bilang si Don Lucio, Patrick Garcia as Nathanael, Danilo Barrios as Rafael, Jodi Sta Maria as Nicole. With them are Glydel Mercado, Aiza Marquez, Sharmaine Suarez, Aljon Jimenez, Daria Ramirez, Spanky Manikan, Maribeth Bichara, Izza Ignacio, William Lorenzo and Sarji Ruiz. Si Ricky Lee ang creative manager.

Magi-start mapanood ang Darating Ang Umaga sa Monday, March 3.
*****
Halos ayaw magsalita ni Eula Valdez tungkol sa issue nang paghihiwalay nila ni Ronnie Quizon. Ayon sa actress, maayos naman ang set-up nila except sa katotohanan na hindi na sila puwedeng magsama at wala raw kinalaman dito ang pera na ginagawan ng issue ng ibang tao.

Nag-deny din si Eula sa issue na may lover siyang lesbian kaya sila naghiwalay.
*****
Ilang araw pa lang sa sinehan ang Ngayong Nandito Ka starring Jericho Rosales and Kristine Hermosa, nagkalat na ang pirated VCDs nito. Kahit daw ang Nympha ni Maricar de Mesa ay may pirated copies na rin, hindi pa man napapalabas. Ganoon din ang Hot Babes VCD, nasa market na rin ng mga pirata at mabibili mo lang sa halagang P20 to 25. Bargain price raw talaga.

Speaking of Ngayong Nandito Ka, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin kung anong real score ng relasyon nina Jericho at Kristine. Iba-iba ang sinasabi nila.

Panay ang selos ni Kristine kay Cindy Kurleto. Pero nag-apologize ang actor kay Cindy dahil wala naman daw talagang nangyari sa kanila as in wala namang ligawang nangyari.

Ano kayang latest ngayong napalabas na ang pelikula nila?

In any case, kahit may selosan blues, hit pa rin sa takilya ang movie nila na nag-open sa Metro Manila last Wednesday. Parang hindi apektado ang moviegoers kahit may feud pa sila.
*****
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]/[email protected]

AIZA MARQUEZ

ALJON JIMENEZ

CINDY KURLETO

DANILO BARRIOS

DANTE RIVERO

DARATING ANG UMAGA

DARIA RAMIREZ

EULA VALDEZ

NGAYONG NANDITO KA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with