Nagsimula ito nang alukin siya ng older brother niyang si Jun Cruz na kantahin ang Jubilee song.
Wala ring interes ang Star Records non na mag-release ng inspirational album.
Pero ang hindi alam ng magkapatid, malaki pala ang magiging participation ng Star Records sa nasabing Jubilee event sa bansa. Kaya nagulat sila sa response ng mga tao na umabot pa nga sa platinum award. Dito nagsimula ang malaking pagbabago sa buhay ni Jamie.
"Hindi pala dapat baliwalain ang pagkanta ng mga religious songs. Dito nagbago ang pananaw ko sa buhay at lalong naging malakas ang kapit ko sa Diyos. Nadiskubre ko na isang karangalan pa ang kumanta para sa Panginoon," sabi ni Jamie sa launching ng kanyang bagong album.
Mula noon ay naging commitment na kay Jamie ang paggawa ng mga inspirational songs katuwang ang kanyang kuya. Naging welcome na rin ang ideyang ito sa Star Records. Kaya sinundan nila ito ng "Tanging Yaman."
Hanggang gawin niya ang album na "Heal Our Land," isang prayer song na nagbigay ng inspirasyon sa lahat para magkaisa at matapos na ang mga problema.
At sa katatapos na 4th World Meeting of Families, si Jamie rin ang kumanta ng official theme song na "Only Selfless Love." Si Mr. Carlos Magno Marcelo na composer nito ay binabantayan ang kanyang komposisyon, pero kay Jamie napunta ang kanta at nai-record niya.
Madali itong nag-click kaya nagsulputan ang ibat ibang version nito sa ibat ibang recording company.
Kaya hindi na siya nasasaktan pag tinatawag siyang inspiration diva dahil sa kanya, "Its an honor and blessing" ang ginagawa niya.
Naniniwala rin si Jamie na destiny ang nangyayari sa kanyang buhay ngayon.
Naaalala niya na preparation pala yung pagsama-sama nilang pamilya sa pagsisimba, pagdarasal at pagkanta ng mga inspirational songs nung bata pa siya. "Bunso kasi ako sa family. Hindi ko alam na way pala yun para sa isang mas malaking mission in my life," pagtatapos ng singer.
Ang pangalan ng grupo - Kwago na ang ibig sabiy hindi pwedeng maisahan dahil silay mga wais ay binubuo nina Randy Doctolero "Zahtto", 26 years old, Ryan Galang "Duff" 23 years old at Michael Serrano "Sneaky", 23 years old.
Nakapasa sila sa audition ng Alpha at nabigyan agad ng album.
Madalas nilang ka-back-to-back ang Salbakuta na nagsisilbing mentor ng kanilang grupo. Nagbibigay din sa kanila ng inspirasyon si Andrew E na panay ang bilin na kailangan nilang magtiyaga at ito ang puhunan para sa katulad nilang nagsisimula pa lang.
Kasalukuyan silang gumagawa ng kanilang second album.